Malalaking proyekto, bagong trend, tambalan, comeback, discovery— aabangan ngayong 2011.
Sa pelikula, unang lulutang ang romance-mystery-comedy na “Who's That Girl?” tampok sina Anne Curtis, Luis Manzano at Eugene Domingo
Sa unang pagkakataon, magtatambal sina Cesar Montano at Robin Padilla.
"Hopefully maibalik po natin ang action sa pelikula," ani Montano.
Inaayos na rin ng Regal Films ang movie comeback ni Judy Ann Santos.
Buenamanong concert naman sa 2011 ang show ni Charice sa Mall of Asia Grounds ngayong Sabado.
Susundan ito ng comeback concert ng "Asia's Nightingale" na si Lani Misalucha sa January 25 sa Resorts World.
Sa indie movies naman, ipapalabas na ang "Thelma" ni Paul Soriano, tampok ang champion runner na si Elma Muros at Maja Salvador.
Gayundin ang "Deadline" ni Joel Lamangan, tungkol sa isyu ng mga warlord at pagpatay ng mga journalists.
Sa telebisyon, malalaman na rin kung sino ang bagong pop star sa “Star Power.”
"Manalo, matalo may karir iyan. Sana may na-impart ako sa kanila," sabi pa ng Megastar.
Susubaybayan din ang bagong anyo ni Gerald Anderson sa “Bagwis” at iba pang pambato ng ABS-CBN.
Sa Pebrero aabangan naman ang bagong hataw ni Kris Aquino sa “The Price is Right.”
"Bonggang-bongga bago ako mag-birthday. In February ang 'The Price is Right.' Abangan niyo talaga dahil for the first time talaga, puwedeng manalo ng brand new car... Ine-excite ko lang ang sarili ko," ani pa ni Kris.
Sa dami ng mga bagong proyekto, tiyak mas kikislap pa ang show biz sa 2011. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino
source: abs-cbnnews.com/
No comments:
Post a Comment