Gustuhin man ng Azkals na tumutok sa ensayo, hindi pa rin maiwasang maantala ang kanilang skedyul dahil sa mga fans.
Mula nang dumating ng Bacolod City kagabi, nakabuntot na ang mga tagahanga ng Philippine football team.
Pansamantala ngayong isinisekreto ang venue ng kanilang praktis.
"As long as they maintain the distance from the players where... it becomes an obtrusive then we will have no problem with that because some fans will go to the pitch," ani Dan Palami, team manager ng Azkals.
Nagawa naman ng Azkals na makipagbiruan sa mga tagahanga.
Ang ilang mga myembro ng Azkals team na Ilonggo ang nagsisilbing interpreter para sa mga kasamahang half-Pinoy.
"Dinadala na lang namin sa sign language kung minsan, ang mas importante na ma-build up ang team," ani Reymark Palmes ng Azkals.
Karamihan sa mga fans, ang mga half-Pinoy players ang tinitilian.
Hindi naman daw nai-insecure ang mga pure Pinoy football players sa kanila.
Magtutuos ang team Azkals at Mongolian football team sa Panaad Stadium sa Pebrero 9.
Inaantabayanan naman ang pagdating ng mga Azkals stars na sina Phil at James Younghusband sa Enero 30.
Sa Pebrero 6 naman ang dating nina Neil Etheridge, Jason de Jong, Rob Gier at Ray Johnson.
source: abs-cbnnews.com
No comments:
Post a Comment