Sa pagsapit ng tag-init, mainit ang pagtatampok ng mga bagong koleksyon ng swimwear.
Tumindi rin ang swimsuit competition sa local beauty contests.
Hot na hot ang photo shoot at rampa noong Martes ng mga kandidata sa Binibining Pilipinas 2011 beauty pageant, suot ang paborito nilang swimsuit at bikini.
Animal prints ang fashion choice ng mga nagseseksihang dilag.
Lahat sila isinaisip ang cardinal rule ngayong summer: Hindi dapat magkaroon ng bikini malfunction dahil sa maling pagpili ng tela o materyal.
"Iyong sure ka na kapag pumunta ka sa tubig, iyong swimsuit hindi siya babakat... Kung medyo rounded iyong katawan, puwede sila mag-try ng swimsuit na medyo mataas siya para kita iyong legs at maitatago ang pagka-round," ani Diane Hecio, Binibining Pilipinas 2009 first runner-up.
Safe at secure na bikini din ang payo ng stylist ng pageant na si Jennifer Barrientos, Binibining Pilipinas Universe 2008 at modelo ng swimwear.
Ayaw niyang matulad ang mga kalahok sa mga hindi inaasahang eksena sangkot ang ilang mga artista noong isang taon.
"Dapat iyong perfect body fit sa 'yo para walang malfunction... Baka makunan sila ng cell phone at camera," ani Barrientos.
Sa pagrampa ng swimsuit, ayos lang maging mapangahas pero dapat may pag-iingat.
source:
No comments:
Post a Comment