source: gmanews
Ang komedyanteng si Tomas, nagpahatid ng kanyang huling habilin mula sa kabilang buhay?!
Lunes, March 21 nang napabalitang pumanaw na ang isa sa mga resident comedians ng programang Comedy Bar na si Tomas Gonzales II dahil sa cardiac arrest. Tomas was 41 years old.
Base sa panayam ng Showbiz Central sa pamangkin ni Tomas na si EJ Gonzales: "Ako po yung unang pamilya niya na nakapunta run e, hindi ko rin po siya naabutan, e. Kasi sa bahay pa lang po wala na po siya. Tinry ng mga kaibigan niyang dalhin siya sa ospital para ma-revive po siya pero hindi na rin po niya kinaya."
Ayon naman sa kapatid ni Tomas na si Zenaida Gonzales: "Workaholic po kasi siya dahil inaalala niya yung pamilya niya kasi suportado niya kami."
Nang gabi ring iyon, nagparamdam rin ito sa isang katrabaho sa pamamagitan ng isang panaginip upang ibilin ang perang maaaring gamitin para sa gastusin sa kanyang libing.
Maliban dito, pati ang paboritong lipstick na naiwan sa studio ng Comedy Bar ay ibinilin din niya.
"Isa sa natagpuan nila e yung pera na thirteen thousand na nandito nga sa bag na ito. Natuwa nga ako, pati lipstick ipinagbilin," ayon pa kay Zenaida.
Lubos na ikinalungkot ng kanyang mga kasamahan sa mga programa niya sa GMA-7 ang pamamaalam ng komedyante.
"Si Tomas kasi ang kadalasang nagpapataas ng energy ng audience bago kami mag-taping, bago pa kami sumalang, napaligaya na niya [sila].
"Hindi ako makapaniwala! Parang... gusto kong manghinayang pero kapag kinuwestiyon mo naman, hindi naman puwede, di ba? Kasi, pack-up na siya, e. Tapos na ang sequences niya, kumbaga.
"Pack-up na siya at alam kong mas maganda yung pupuntahan niyang programa na kasama na ang Maylikha," pahayag ni Eugene Domingo.
Ayon naman kay Allan K: "Napakagaling ni Tomas na empleyado; never mo siyang makikitang nale-late. Bilang na kaibigan si Tomas, napaka-low profile."
Sinabi naman ng Brapanese hunk na si Fabio Ide na kasama rin ni Tomas sa Comedy Bar na...
"Everytime I think about Tomas, the only thing I can do is laugh. He didn't care about his appearance, he didn't care about when people talk about him or tease him; he just wanted to have fun."
"Nung siya ay nakasama ko sa Asar Talo, masaya ang naging samahan namin. He was burning the candle at both ends, e. Ganun katindi ang kanyang sipag," ayon naman sa actor/TV host na si Edu Manzano.
Higit pa sa pagkawala ng breadwinner ng pamilya Gonzales, ramdam na ramdam ng mag-anak ang kawalan ng isang kapatid at maalagaing tiyuhin.
source: gmanews
No comments:
Post a Comment