Ang Pinay international singing sensation na si Charice ang kakanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa laban ni Manny Pacquiao kontra sa American boxer na si Shane Mosley.
Gaganapin ang laban nina Pacquiao at Mosley sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada sa May 7 (araw sa US). Mapapanood sa Pilipinas ang naturang laban sa GMA 7 sa Linggo (May 8).
Gaya ng mga nauna niyang laban, ang Pambansang Kamao at congressman ng Sarangani Province mismo ang pumili kay Charice upang umawit ng "Lupang Hinirang" sa kanyang muling pagtuntong sa boxing ring.
Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, kinausap nila si Charice sa Los Angeles tungkol sa pagkanta ng ating Pambansang Awit.
Sabi pa ni Koncz, "excited" na si Charice na kumanta sa harap ng milyun-milyong tagahanga ng boksing mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Dagdag pa niya, malaking karangalan para sa Team Pacquiao ang pagpayag ni Charice na kumanta sa laban ng Pambansang Kamao.
Si Charice, itinuturing na isa sa most promising talents ngayon sa U.S, ay minsan nang nagpahiwatig ng kanyang kagustuhang umawit ng National Anthem sa isa sa mga laban ni Pacquiao.
Sa kasalukuyan ay nasa U.S. si Charice kung saan abala siya sa kanyang international recording career.
Muli rin siyang mapapanood sa sikat na show sa Amerika na Glee, kung saan ginagampanan niya ang papel ng Filipino exchange student na si Sunshine Corazon.
Sinimulan na rin ni Charice ang shooting para sa Hollywood movie na Here Comes The Boom.
source: gma
Tuesday, April 26, 2011
Charice will sing PHL Anthem at Pacquiao-Mosley fight
source: gma
No comments:
Post a Comment