Itinuturing dream come true ng sexy actress na si Aubrey Miles ang maging cover ng men’s magazine na Playboy Philippines. Ano kaya ang naging reaksiyon dito ng kanyang boyfriend na si Troy Montero?
Sa GMA News TV 11 na In The Limelight nitong Martes, sinabing magkakaroon ng re-launch ang Playboy magazine sa June kunsaan ang former castaway ng Survivor Philippines na si Aubrey ang cover.
“Bata pa ko talagang sila na yung unang-unang magazine na men’s magazine na alam ko, inihintay ko talaga tawag nila," kwento ng sexy actress.
Dahil sa madalas niyang pagbiyahe, sinabi ni Audrey na tumagal din ng two months ang paghihintay dahil hindi magtagpo ang kanilang schedule. At nang matanggap niya ang tawag mula sa magazine, kaagad niyang ibinigay ang sagot na, yes!
Hindi naman naging mahirap kay Aubrey na makuha ang basbas ng kanyang boyfriend na si Troy Montero dahil matagal na raw nila itong napag-usapan.
Katunayan, very supportive at proud si Troy para sa kanyang partner. Maituturing achievement daw sa isang babae na makapag-pose sa Playboy.
“I think for a lot of women out there, so once in a lifetime deal. And to say you’re a cover of Playboy it’s something you will always remember," ayon kay Troy.
Kaya naman hindi maitago ni Aubrey ang kasiyahan na matupad ang isa sa kanyang mga pangarap.
source: gmanews
Wednesday, June 01, 2011
‘Hot Mama’ Aubrey Miles poses for Playboy Philippines
source: gmanews
No comments:
Post a Comment