Masayang ibinalita ng Kapuso star na si Bela Padilla na sa unang pagkakataon ay may Pinay na nag-uwi ng dalawang award sa sinalihan niyang 2011 Asian Super Model na ginanap kamakailan sa China.
Kahit biglaan at walang preparasyon sa pagsali niya sa naturang kompetisyon ng pagandahan ng mga babae mula sa iba’t ibang bansa sa Asya, nakamit pa rin ni Bela ang parangal bilang Miss Friendship at Media's Darling awards.
“Kinakabahan ako kasi ako ang pinakamaliit sa kompetisyon, I’m only 5’6 yung ibang girls 6’5, 6’4 tapos ang gaganda," pahayag ng aktres sa In The Limelight ng GMA News TV 11 nitong Martes.
Masaya si Bela dahil sa nabigyan daw ng pansin kagandahan ng mga Pinay.
“Natutuwa ako kasi sa lahat ng videos habang nagpa-fashion show, habang nagpi-play ng videos, mga behind the scenes puro ako yung pinapalabas saka China. Parang feeling ko nakilala talaga nila ako dun," kwento pa niya.
Maging sa swimsuit competition ay isa raw si Bela sa nakakuha ng pinakamalakas na palakpak
“Sabi pa ng direktor sa’ken always daw ang pinapasali sa Pilipinas yung pinakamataba. Sabi niya sa’ken parang the Filipina contestant might be the fattest but always has the best personality, so nakakatuwa," ayon kay Bela.
Ngayon may experience na siya sa beauty contest, lalaban na kaya si Bela sa mga big beauty pageants?
“Matagal ko nang tinatarget yung Miss World Philippines pero marami pang preparation muna," anang aktres. - FRJ, GMA News
source: gmanews.tv
pics from www.missosology.info
Wednesday, September 14, 2011
Bela Padilla wins two awards at the Asian Super Model in China
source: gmanews.tv
No comments:
Post a Comment