Pagkagaling sa trabaho, kahit wala pang tulog ay dumiretso na si Luis Manzano sa Batangas City para makiisa sa Alay Lakad nitong September 1, na pinangunahan ng kanyang inang si Governor Vilma Santos.
Bago ito magsimula bandang alas-sais ng umaga ay naroon na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasama ang iba pang taga-media.
Kasamang naglakad nina Governor Vi at Luis si Optical Media Board Ronnie Ricketts at ang mga delgasyon mula sa iba't ibang bayan sa Batangas na sumuporta sa proyektong ito na ang layunin ay makalikom ng karagdagang pondo para sa mahigit na dalawang libong scholars ng lalawigan.
Mula sa kampo ng Kapulisan ng Batangas ay dumiretso sila sa kapitolyo na siyang destinasyon ng pagtitipon. Humabol doon para makiisa rin sa Laguna Board Member Angelica Jones at ang guest speaker doon na ang Pambansang Kamao at Sarangani Representative na si Manny Pacquiao.
Paalis na sana agad si Luis dahil wala pa raw nga siyang tulog, pero hindi nakatanggi nang mahiritan ng isang mabilisang panayam.
Puyat at pagod man, kita sa mukha ni Luis ang kasiyahan na naging bahagi siya ng makabuluhang pagtitipon na iyon na alay sa mga kapus-palad pero deserving na maging scholars ng provincial government.
"Oo naman! 'Yong pagsuporta ko naman e hindi lang kasi sa Mommy ko talaga. Suporta ko rin iyon sa Batangas.
"This is my second na pagsama sa Alay Lakad dito sa Batangas. 'Yong una was two years ago. Last year, si Diet [Diether Ocampo] ang narito.
"Kung magagawa ko na every year, sasama ako rito. Basta maayos lang ang schedule ko.
"Ang sa akin naman kasi, kahit wala ako rito, basta meron akong naibabahagi para sa mga estudyante. Hindi naman kailangang maglakad talaga ako.
"Basta alam ko ang adhikain. Alam ko ang importansiya niyan.
"So kahit hindi man ako makasama sa lakad ni mommy, kahit wala ako, basta laging susuportahan ko talaga ang adhikain na ito."
Senyales ba ito na gusto niyang sundan ang footsteps ng Mommy niya sa politika?
"Never ko namang isinara 'yong pinto ko pagdating sa politika. Ang gusto ko lang talaga, tamang oras.
"At kung saka-sakaling pumasok man ako ay maibibigay ko ang buong puso at utak ko. Hindi 'yong papasok ka, 50 percent lang ang maibibigay mo. Lugi naman ang tao.
"Pagdating sa politika, never kong sinabi na hindi ako papasok."
Bilang mayor ng Lipa City ?
"Siguro," nangiting sagot ni Luis.
Bakit sa Lipa? Bakit hindi sa Quezon City ?
"Kasi napakaganda ng nasimulan ni Mommy sa Lipa. Second, siguro alam naman ng mga Lipeño na hindi ako gagawa ng kahit na anong kalokohan na ikasisira ng pangalan namin.
"At saka mahal ko ang Lipa."
Nang i-announce ng Mommy niyang si Governor Vi na magdu-donate si Luis ng 50 thousand pesos, pabirong nasabi nito na ang dating paslit na anak na lagi niyang binabati sa TV ng— 'I love you, Lucky!'— ang laki na at binatang-binata na raw at... babaero!
Ano bang nagiging reaksiyon niya kapag binibiro siya ng Mommy niyang babaero?
"Si Mommy naman... parang kabarkada ko rin 'yang si Mommy. Ang dami naming napagtatawanan... napaghihiritan.
"At natatawa ako sa mga gano'ng hirit ni Mommy. Biro lang naman niya 'yon."
Kumusta naman ang rumored girlfriend niya ngayon na si Jennylyn Mercado?
"Okey naman. Nasa trabaho siya ngayon."
Hindi niya inaya na sumama sa Alay Lakad sa Batangas?
"May taping kasi siya ngayon ng Futbolilits.
"Pero sinabi ko sa kanya ito. Alam naman niya.
"Pero matagal kasi silang walang taping. Ngayon lang siya nakapag-taping ulit. So very important 'yong mga eksenang kukunan."
Naipakilala na niya si Jennylyn sa Mommy niya, di ba?
"Oo. Magkakilala sila noong Holy Week pa lang.
"Kasi si Jen, she spent mga two days sa Batangas no'ng Holy Week. At do'n sila nagkakilala."
Okay naman?
"Oo. Very, very good meeting.
"After that? Nagkasama sila [Jennylyn and Governor Vi] no'ng despedida ng mga Santos. No'ng umalis sina Tita Winnie at Tita Tess, dumaan siya."
Ilang months na nga ba sila?
"Bilang kami? Ah... kaya kong sabihin ngayon na hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol do'n with sincerity," ang sabi ni Lucky patungkol kung sila na nga.
Ano ba ang nakakapigil para maging sila na nga officially? They date a lot and obvious namang they like each other nga, di ba?
"Wala. Kumbaga, hindi nga lang namin napag-uusapan.
"Hindi namin nakikita 'yong point kung bakit dapat pag-usapan.
"Pero definitely naman, lampas friendship 'yong kung anumang meron kami ngayon. Definitely naman.
"We're dating. We're seeing each other.
"Definite 'yon. Hindi ko itatanggi 'yon.
"Pero 'yong sabihin mong... o, tayo na, ha! Hindi pa namin napag-uusapan 'yong gano'n.
"But kumbaga, malinaw na... wala akong ibang dinidiskartehan. At wala rin naman siyang ibang ini-entertain. Malinaw naman sa amin iyon."
Hindi panakip-butas si Jennylyn?
"Hindi. Definitely hindi.
"But we're not yet official na... kami na. Kaya kong sabihin 'yon."
Parang sila na parang hindi pa? Gano'n?
"We're exclusively dating."
Walang commitment?
"Kumbaga 'yong commitment is out of respect... indirect.
"Pero... lampas MU [mutual understanding] naman. Lampas MU.
"But 'yong... and dami na kasing gano'n, eh."
Close na sila ng anak ni Jennylyn na si Jazz?
"Ayoko nang idamay 'yong bata. Kasi bata pa siya. But he's a great kid. Napakaganda ng pagpapalaki sa kanya," ending na naging pahayag na lang ni Luis.
source: gmanews.tv
Tuesday, September 06, 2011
Luis Manzano on relationship with Jennylyn Mercado: ‘Lampas MU naman.’
source: gmanews.tv
No comments:
Post a Comment