Nagkaroon ng changes sa airing ng episodes sa epicserye na Amaya.
Supposedly ay mamayang gabi na mapapanood si Aljur Abrenica bilang si Dayaw.
Pero, dahil nagkaroon daw ng adjustments sa episodes ng Amaya, sa Martes na lalabas ang karakter niya sa pinagbibidahang epicserye ni Marian Rivera.
Isa ang Amaya sa mga naapektuhan ng pagragasa ng bagyong Pedring na nanalanta sa bansa, nitong nakaraang Martes.
Nitong Lunes kasi ay may taping dapat sa Pagsanjan ang nasabing epicserye.
Dahil sa sama ng panahon, nahirapan silang kunan ang mga eksena na karamihan ay outdoor scenes.
Sa Facebook at Twitter account ng direktor ng Amaya na si Direk Mac Alejandre noong Martes ng madaling-araw, sinabi nitong, "Today has been a struggle. Pedring is giving us such a difficult time.
"We have been exposed to the elements. Am now running a temp."
Samantala, going back to Aljur -- ang bida noon sa fantasy/action series na Machete - gagampanan niya sa Amaya ang karakter bilang si Dayaw, isang Manikiad.
Isang titulo ng isang tao na nakapatay na ng isa, o higit pang tao.
Ang isang Manikiad ay sinasabing, next-in-line sa pagiging Bagani, o warrior chief.
Ngunit iba si Dayaw. Dahil siya ang palaging naaatasan na magdala ng kanilang mga kalakal [tulad ng prutas, gulay, at iba pa] sa mga tagaibaba [mga tagakapatagan, o tagadagat], o tagalabas, lantad siya sa ibang tao, kultura at paniniwala.
Naniniwala rin si Dayaw, na para sila matuto, kinakailangan nila ang tagalabas upang mapag-aralan ang mga kultura nito.
Ang karakter ni Aljur bilang Dayaw ang bagong pasok sa Amaya.
Samantala, namatay na ang karakter na Lumad na ginampanan ni Mikael Daez sa naturang epic-serye last Wednesday.
source: gmanews.tv/
Friday, September 30, 2011
‘Machete’ lead star Aljur Abrenica joins 'Amaya'
source: gmanews.tv/
No comments:
Post a Comment