Inamin ng talent manager at TV host na si Lolit Solis na “nailang" siya nang una niyang nabalitaan ang umano’y relasyon ng kanyang “alaga" na si Pauleen Luna kay Vic Sotto.
Sa segment na 'Itapat sa Apat' ng showbiz talk show ng GMA 7 na Startalk TX nitong Sabado, pinag-usapan ng mga host na sina Lolit, Joey De Leon, Butch Francisco at Ricky Lo, ang napabalitang romantic relationship nina Vic at Pauleen na magkasama sa Eat Bulaga.
Unang lumabas ang Vic-Pauleen affair sa kolum ni Ricky sa pahayagan ng Philippine Star. Gayunman, wala pa ring opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa nasabing isyu.
Bago pag-usapan ng apat ang isyu, pabirong bumungad si Joey na siya ang kakatawan na abogado ng kanyang kaibigang si Vic.
“Ako wala akong alam diyan," natatawang hirit ni Joey. “Yung sinulat ni Ricky na showered with gifts palagay ko hindi totoo ‘yon, ang totoo yung shower lang."
Ang tinutukoy ni Joey ay ang bahagi ng isinulat ni Ricky na binuhusan daw ni Vic ng mga regalo si Pauleen, na noong una ay atubili raw ang young actress na tanggapin.
“Nung una according sa mommy ni Pueleen iniiwasan ni Pauleen si Bossing (tawag kay Vic)," kwento ni Manay Lolit. “’Pag may nireregalo ibinabalik, inaano, ayaw."
Pero may nakahata raw ang nanay ni Pauleen nang mag-birthday ang young actress at makatanggap muli ng regalo mula kay Vic.
“Birthday yata ni Pauleen na may niregalo, akala daw niya (mommy ni Pauleen) ipababalik ni Pauleen. Tapos si Pauleen na nagsabi, ‘wag mommy ha birthday gift naman ‘yan. Kaya nakahalata na ang nanay," patuloy ni Lolit.
Ibinisto rin ng talent manager na mismong ang nanay ni Pauleen ang nagsabi sa kanya na nagpunta sa kanilang bahay si Vic.
Sa naturang talakayan, si Butch ang nagsilbing referee at tagausisa sa mga nangyari.
“Hindi mo ba hinadlangan?" tanong ni Butch kay Lolit.
“Hindi," mabilis na sagot ni Manay Lolit. “Honestly ang pinakagusto kong boyfriend ni Pauleen nung una si (Valenzuela Mayor) Sherwin Gatchalian. Kasi binata, saka hindi malayo ang edad. Sa akala ko bagay na bagay sa edad ni Pauleen."
Si Pauleen ay 23-anyos, habang 57-anyos naman si Vic.
“Hindi ko naman akalain na may pagnanasa pala siya kay Bossing, at si Bossing may pagnanasa kay Pauleen," patuloy ni Lolit.
Inamin niya na nailang siya nang una dahil kasama rin nina Vic at Pauleen sa Eat Bulaga si Pia Guanio na naging ex-girlfriend din ni Vic.
Gayunman, okey lang daw kay Manay Lolit kung lilitaw na totoo ang balitang nagmamahalan sina Vic at si Pauleen.
“Eh kung natatanggap ni Pia, natatanggap ni Pauleen okey lang. Kasalanan ba ni Bossing na ganun siya ka-attractive, ganun siya kaguwapo, ‘di ba," pahayag ni Lolit.
'Lalabas ang totoo' – Joey
Pagtiyak naman ni Joey, maayos ang samahan nila sa Eat Bulaga.
“Lalabas at lalabas ‘yan kung totoo di ba? Hindi natin maiiwasan ‘yan," ayon kay Joey na maya’t maya ay nagpapasok ng mga pabirong komento.
“Pero ang pag-ibig naman para sa lahat," dagdag niya. “Kung totoo man ‘yan, anong masama? Tayo nama’y isinilang ang aspirations natin isa sa pinakadakilang mithiin natin ay pag-ibig."
Nang hingan kung ano ang maipapayo sa kaibigang si Vic, sinabi ni Joey na siya talaga ang humihingi ng payo kay Bossing kung papaano umano maging “lovable" at “attractive" sa mga batang babae.
source: gmanetwork.com
Saturday, December 10, 2011
Lolit Solis, may isiniwalat sa umano’y Vic-Pauleen affair; Joey De Leon, may mensahe rin
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment