Umabot lamang sa 1,995 mula sa 5,315 examinees ang nakapasa sa Certified Public Accountant Licensure Examination ng Board of Accountancy, inihayag ng Professional Regulation Commission nitong Martes.
Sa rating na 94.86 percent, nanguna si Manuel Pillora Buensuceso Jr. ng San Beda College sa listahan ng mga nakapasa sa pagsusulit na idinaos sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, at Legazpi nitong Mayo.
Pumangalawa naman si Kathrine Rose Co Catindig ng University of Santo Tomas sa rating na 94.43 percent, habang ikatlo naman sa listahan si Grace Menor Albunian ng Technological Institute of the Philippines-Manila (TIP-Manila) sa rating na 93 percent.
Ayon sa PRC, inilabas ang resulta isang araw matapos ang ikahuling araw ng licensure examination.
Tinagurian namang top performing school ang University of San Carlos sa pagkamtam nila ng 83.33 percent na passing percentage (60 mula sa 72 graduates ang nakapasa sa pagsusulit).
Hindi pa nabanggit kung kailan at saan magaganap ang oath taking.
Narito ang top 10 examinees:
4th place: Gianna Tan Chua, University of San Carlos, 92.57%
4th place: Monique Kris Florante Villaflor, TIP-Manila, 92.57%
5th place: Richard Lei Paciencia Canete, Eastern Visayas State University-Tacloban, 92.43%
5th place: Bonvin Go Nuqui, De La Salle University-Manila, 92.43%
6th place: Benson Pabiona Kotah, Chiang Kai Shek College, 92.14%
6th place: Rowell Canda Marasigan, Rizal Technological University, 92.14%
7th place: Kenneth Jefferson Un Uy, University of San Carlos, 92%
8th place: Jessica Jean Galoso Gandeza, University of the Philippines-Diliman, 91.86%
9th place: Sherald Winchel Pintacasi Ang, University of the Immaculate Conception-Davao, 91.71%
9th place: Edmond Emperio, University of San Jose-Recoletos, 91.71%
10th place: Shearilynn Lim Go, University of San Carlos, 91.57%
10th place: Raymund Acesor Tinamisan, Manuel S. Enverga University Foundation-Lucena City, 91.57%
For complete list click here.
Congratulations!
source: gmanetwork.com
Tuesday, May 22, 2012
1,995 nakapasa sa CPA exam; San Beda grad, top-notcher
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment