Thursday, January 13, 2011

Sarah, umiiwas pa rin sa isyu ng iringan nila ni Cristine



Tila hindi pa tuluyang natutuldukan ang iringan ng Pop Princess Sarah Geronimo at sexy star Cristine Reyes na sumiklab sa Twitter noong Disyembre dahil umano kay Rayver Cruz. Hanggang ngayon ayaw pa ring pag-usapan ni Sarah ang isyu.


“Wala naman akong kaalitan,” sabi ni Geronimo.

Panibagong awayang sumiklab sa social networking site ang banat ng anak ng aktor na si Albert Martinez na si Alfonso kay Direk Wenn Deramas.

Kinukuwestiyon niya ang pagkapanalo ni Deremas sa MMFF bilang Best Director sa “Ang Tanging Ina Mo Last Na ‘To."

Humingi na ng paumanhin si Liezel Martinez sa inasal ng anak pero para kay Ai ai delas Alas na bida ng pelikula, hindi dapat idaan sa Internet ang sorry.



“Dapat personal na mag-sorry kay Direk, feeling ko lang,” mungkahi ni delas Alas.

Makakabuti raw kung kausapin nang masinsinan nina Liezel at Albert ang anak.

“Dapat ipinapaliwanag nila sa anak nila na ang pagkatalo ay part ng buhay. Mga anak ko kahit matalo wala namang akong maririnig na ganoon,” sabi ni delas Alas.

Sa victory party kanina ng "Ang Tanging Ina", tinanggap na ni Deramas ang 'sorry'.

“Sana siya na rin mismo ang humingi ng paumanhin. Pero sabi ko nga kay Liezel, wala na 'yun, kinalimutan ko na 'yun,” sabi ni Deramas.

Sa paulit-ulit na awayan sa social networking site, tingin ng Comedy Queen na si Ai-ai: “I think 'yung mga tweet-tweet na 'yan dapat tigilan na ang mga tweet tweet na 'yan. Bukod sa negative, marami siyang sakit, away na nangyayari.”

Ayon naman sa isa pang miyembro ng pamilya Martinez, nasaktan din sila sa nangyari at lahat ay may napulot na leksyon sa nangyari
source:

No comments:

Post a Comment