Total performance sa sayawan at kantahan sa "1 at 11" concert nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Charice noong Sabado.
Nakiindak ang fans na pumuno sa Mall of Asia grounds.
Hataw sa dance floor showdown ang mag-amang Gary V habang tinilian din ang appearance ng Box Office King na si John Lloyd Cruz.
Highlight naman ng gabi ang rendition nina Gary C at Charice ng international hit na “Pyramid.”
Mula sa R&B songs, bumanat sa biritan ang international sensation.
Nabahiran lang ng isyu ang concert dahil sa umanoy paghihigpit sa security ni Charice.
Base sa naglabasang balita, utos daw umano ito ni Oprah, na isa sa mga humahawak sa career ng Pinay singer.
The show must go on pa rin sa huli. Sumunod na pinasaya ni Charice ang kanyang mga kababayan sa Laguna.
Kapansin-pansin na dala ni Charice ang look pa rin niya sa “Glee” bilang Sunshine Corazon.
Hindi raw totoong tinalbugan nya ang bidang si Lea Michelle.
"I respect Lea Michele naman kasi she's a very lovely person, she's very sweet. Pero iyong experience, I think [is] one of the coolest experiences talaga na nangyari sa life ko," ani Charice.
Dahil sa “Glee,” mas tumingkad ang Hollywood career ni Charice na binansagan ng Entertainment Weekly na isa sa “11 to watch in 2011.”
"'Di ko ine-expect kasi sa dami ng mga artists na lumalabas ngayon, and siyempre very proud naman ako," sabi pa ni Charice.
Tanggap naman ng Pinay singer ang hindi nya pagpasok sa Grammy nomination.
Linggo ng gabi, balik-Amerika si Charice para sa concert nila ng kanyang mentor na si David Foster. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino
source: abs-cbnnews.com/
Tuesday, January 11, 2011
Security ni Charice pinahigpitan ni Oprah?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment