Friday, February 18, 2011

Glaiza says she has no problem playing support role to Marian in epicserye, Amaya


Matapos maging bida sa Grazilda, balik sa supporting role si Glaiza de Castro bilang kapatid ni Marian Rivera sa epicserye ng GMA 7 na Amaya. Ano kaya ang feeling niya tungkol dito?

Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, masaya si Glaiza dahil patuloy ang suwerte niya ngayon 2011. Bukod sa bagong television series, may movie rin siyang ginagawa na Patikul, under Direk Joel Lamangan.

Kasama ni Glaiza sa Patikul – kuwento tungkol sa mga mamamayan sa lalawigan at kahalagahan ng edukasyon - ang kapwa Kapuso star na si Marvin Agustin at ang batikang aktor na si Allen Dizon.

“Sa huli kasi me mangyayari na hindi maganda, so ako yung magte-take over dun sa isa sa mga titser na nasawi. Tapos, ako yung sasama sa mga bata sa Quiz B, magte-train sa kanila, magrereview para sa kanila," kuwento ng aktres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Bukod sa Patikul, pinaghahandaan din ni Glazia ang unang pagsasama nila ni Marian sa Amaya. Gagampanan niya ang karekter ni 'Binayaan' na kapatid ng warrior princess na gagampanan ni Marian - si Amaya.

At kahit balik si Glaiza sa support cast, wala daw itong problema sa aktres dahil maganda ang istorya at cast ng pinakakaabangang epicserye ng GMA 7.

“Ako wala naman talaga akong problema. Siyempre depende rin yun sa story tapos okey din naman yung cast, okey naman yung mga makakatrabaho ko, and ‘di naman talaga ako namimili e, kung ano yung ibigay sa’ken," paliwanag niya.

May kaunti lang daw mag-aalala si Glaiza sa magiging kasuotan nila sa Amaya dahil kailangan nakalabas ang tiyan nila sa isusulot nilang costume ni Marian.

“Kailangan kong magpapayat kasi yung costume yata naman e ‘di gagamitin ng body suit. So, kailangan kong i-prepare yung sarili ko, then physically. And maganda kasi yung concept, nung makita ko nga yong teaser, wow! ang ganda bago talaga," ayon sa aktres.

source: gma

No comments:

Post a Comment