Pasok sa finals ng American Idol Season 10 ang Filipino-American na si Thia Megia.
Sa semifinal round na ipinalabas kahapon, March 3, ay pinuri ng mga judge na sina Steven Tyler, Jennifer Lopez, at Randy Jackson ang rendition ni Thia ng kantang "Out Here On My Own" ni Irene Cara sa pelikulang Fame (1980).
Ayon kay Steven, perfect ang pitch ni Thia. Sinabi naman ni Jennifer na nabighani ng young singer ang audience sa kanyang performance. Samantalang ikinumpara naman ni Randy ang Fil-Am singer sa yumaong King of Pop na si Michael Jackson.
Sumang-ayon ang voting public sa American Idol judges kaya naman ibinoto nila si Thia para makapasok sa Top 10.
Uploaded by TheHumanSlinky
At 15 years old, si Thia ang pinakabatang contestant na nakapasok sa finals sa kasaysayan ng American Idol. Ngayong season ay binabaan nila ang age limit from 16 years old to 15.
Hindi naman naging maganda ang kapalaran ng isa pang Fil-Am na kasali rin sa semifinals ng American Idol na si Clint Jun Gamboa.
Bagamat nagustuhan ng judges ang performance ni Clint ng "Superstition" ni Stevie Wonder ay hindi sapat ang nakuha niyang boto para umusad sa final round.
Bukod kay Thia, ang iba pang female finalists ay sina Pia Toscano, Lauren Alaina, Karen Rodriguez, at Haley Reinhart.
Ang mga male finalists naman ay sina Scott McCreery, Casey Abrams, Jacob Lusk, Paul McDonald, at James Durbin.
Uploaded by iamsodirtyy
WILD CARDS. Anim na "wild cards" mula sa eliminated contestants—tatlong babae at tatlong lalake—ang pinili ng mga judge para makipag-compete sa huling tatlong slots na kukumpleto sa Top 13 ng American Idol.
Sa mga babae, ang pinili ng judges ay sina Ashton Jones, Naima Adedapo, at Kendra Chantelle. Sa mga lalake naman ay sina Stefano Langone, Jovany Barreto, at Robbie Rosen.
Agad na sumabak sa kantahan ang anim at base sa kanilang performance ay nagdesisyon sina Steven, Jennifer, at Randy na ang tatlong makakasama sa finals ay sina Ashton, Naima, at Stefano.
Next week ay magsisimula nang magsalpukan ang Top 13 finalists para sa titulong American Idol.
source: gmanews
Saturday, March 05, 2011
American Idol: Thia Megia in; Jun Gamboa out ( video inside)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment