Nasa Pilipinas ngayon ang sikat na Fil-American singer na si Bruno Mars para magtanghal. Ngunit bago niya naabot ang kanyang estado ngayon, dumaan din siya sa mga pagsubok.
Dumating sa Pilipinas si Bruno Mars (Peter Hernandez sa tunay na buhay) nitong Huwebes. Una siyang nagtanghal sa Cebu nitong Huwebes ng gabi, at sa Araneta Coliseum sa Quezon City naman sa Biyernes ng gabi.
Isinilang si Bruno Mars sa Hawaii. Ang kanyang mga magulang na kapwa musician ay pawang may lahing Pinoy. Pagka-graduate ng high school, nagtungo siya sa California para ilunsad ang kanyang music career.
Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi nito na minsan na ring nadawit sa isyu ng paggamit ng ilegal na droga ang Grammy winning artist.
Ngunit hindi umano naging hadlang ang naturang kontrobersiya para makamit niya ang tagumpay sa music industry. Ilan sa mga hit song niya ay, ang “Just The Way You Are," at “Billionaire."
Sa Grammy Awards ngayong taon, nakakuha si Bruno Mars ng anim na nominasyon. Nasungkit niya ang Best Male Vocal Performance para sa Just The Way You Are. Tinalo niya sa kategorya sina Michele Jackson, Michele Bubble, Adam Lambert at John Mayers.
Pero hindi overnight success ang nangyari kay Bruno Mars. Naging co-writer at co-producer siya ng ilang artist katulad nina Justin Bieber, BoB at Travis Macoy, sa kanyang production outfit.
At habang sumisikat, nahulihan siya ng cocaine noong nakaraang taon. Naghain si Bruno Mars ng guilty plea upang hindi makulong. Kapalit nito ang pagsasailalim niya sa probation, counseling at community service.
Tila hindi nga nakaapekto sa kanyang career ang pagkakadawit sa ilegal na droga, at patuloy na kinilala ang talento ni Bruno Mars bilang alagad ng sining sa musika.
source: gma
Tuesday, April 12, 2011
Bruno Mars’ road to stardom
source: gma
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment