Wednesday, May 11, 2011

Charice's rendition of PHL Anthem was 'perfect'

source: gmanews


PEP: Bukod sa tagumpay sa kanyang mga laban ni Sarangani Representative at 8-division world champion na si Manny Pacquiao, isa pa sa inaabangan ng mga Pinoy sa tuwing may laban ang Pambansang Kamao ay ang pagkanta ng Philippine National Anthem ng napiling singer ng boxing champ, na kung minsan ay pinagmumulan din ng kontrobersiya.

Sa laban nga ni Pacquiao kontra kay Shane Mosley noong Linggo, May 8, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, ang Pinay international singing sensation na si Charice ang napiling kumanta ng "Lupang Hinirang."

Ayon nga kay Charice sa isang interview, "Gusto ko lang na para wala nang issue and all that, gusto ko na sundin lang yung patakaran."

Dati na kasing nasita si Charice ng National Historical Institute (NHI) sa nauna niyang pagkanta noon ng Pamabansang Awit kaya ingat na ingat siya ngayon.

Ang NHI ang unang nagre-react kapag sa tingin nila ay hindi tama ang pagkanta ng National Anthem sa laban ni Pacquiao.

Maganda naman ang naging resulta ng pagkanta ni Charice. Maging ang NHI ay pinuri rin ang pag-awit ng Pinay singer.

Sa phone patch interview ng Tweetbiz Insiders nitong Lunes ng gabi, May 9, sa officer ng NHI na si Mr. Teddy Atienza, sinabi nito na "perfect" daw ang pagkanta ni Charice ng "Lupang Hinirang."

"Perfect po ang pagkakanta niya. Tamang-tama po yung kanyang tempo.

"Tamang-tama po ang kanyang bilis at buong-buo niya pong nakanta yung ating Pambansang Awit," sabi ni Mr. Atienza.

Kumonsulta ba ang kampo ni Charice sa NHI para sa pagkanta nito ng "Lupang Hinirang"?

"Lahat po ng malalaman namin kung sino yung kakanta, sinusulatan po namin sila at pinapadalhan din po namin sila ng CD ng tamang pagkanta ng 'Lupang Hinirang.'

"Si Ms. Charice Pempengco po, pinapunta po niya yung kanyang... si Ms. Grace Mendoza, yung manager niya po yata yun, at humingi pa rin po ng CD dito sa amin.

"Kahapon po, pagkatapos ng kanta niya, madami akong natanggap na tawag atsaka text.

"Pinapasalamatan ho ng aming tanggapan ang magandang pagkakanta ng 'Lupang Hinirang' ni Ms. Pempengco," pahayag pa ni Mr. Atienza.

source: gmanews

No comments:

Post a Comment