Sunday, May 15, 2011

Jackie Rice nabalian ng buto sa paa sa taping ng Sisid

source: gmanews


Dahil sa tindi ng emosyon sa isang eksena, naaksidente ang young and sexy actress na si Jackie Rice sa taping ng bagong Dramarama soap ng GMA 7, na Sisid.

Sa ulat ng showbiz talkshow na StarTalk TX nitong Sabado, sinabing naganap ang aksidente noong May 10 habang kinukunan ang eksena nila Dominic Roco.

“Galit po ako sa eksena, kahit ano gagawin ko…sisipain ko ‘yan o ano, nasipa ko siya nang mali," kuwento ni Jackie patungkol sa isang silya na kanyang sinipa.

Dahil sa maling pagkakasipa, nabalian ng buto sa isang daliri sa kanang paa ni Jackie.

Bagaman hindi inoperahan ang paa ni Jackie, sinabi ng aktres na may gabi na hindi siya makatulog dahil sa sobrang sakit nito.

At kahit may nakararamdaman na siyang sakit dahil sa aksidente, itinuloy pa rin at tinapos ni Jackie ang naturang eksena.

“Nahihiya rin po ako siyempre naghintay sila, saka siyempre yung production, yung GMA mismo ginastusan yung araw na ‘yon tapos mahihinto lang dahil sa’ken. Kung kaya naman po bakit hindi," paliwanag niya.

Patuloy pa ni Jackie, ngayon lang siya naospital kaya hindi umano siya sanay na parang binibeybi tulad ng pagpapasakay sa kanya sa wheelchair.

Hindi raw puwedeng ilakad ang kanang paa ni Jackie kaya kailangan niyang gumamit ng saklay.

Tinatayang aabutin dawn g apat hanggang anim na linggo bago kusang gumaling ang nabaling buti ni Jackie. Pero ngayon pa lang, naiinip na ang aktres at nais ng bumalik sa trabaho.

“Gusto ko nang bumalik sa taping, ang daming natetengga dahil lang sa paa, gagaling siya kaagad," ayon kay Jackie.




source: gmanews

No comments:

Post a Comment