Friday, May 20, 2011

Maxene Magalona nagpa-sexy sa photo exhibit

source: gmanews


Sa unang pagkakataon, nagpa-sexy ang Kapuso actress na si Maxene Magalona para sa isang photo exhibit sa Makati. Aprubado kaya ito ng kanyang mommy na si Pia Magalona?

Makikita ngayon sa Makati ang sexy photo exhibit kung saan tampok ang ilang Kapuso celebrities na kinabibilangan ni Maxene – anak ng yumaong “Master Rapper" na si Francis Magalona.

Ayon kay entertainment reporter Nelson Canlas, proud na ipinakita ni Maxene ang kanyang sexy pictorial kung saan nag-pose siya na naka-underwear.

Ito ang unang pagkakataon na nagpaka-daring ang young actress kaya naman hindi naiwasang itanong kung nahirapan kaya siyang magpaalam sa kanyang mommy Pia.

“Unang time na sinabi ko kay mama sabi niya, ‘go kaagad," kuwento ni Maxene sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.

Aminado siya na kabado siya nang magpaalam sa ina pero pumayag naman daw si Mommy Pia at sinabihan siya na, “go its about time."

Malaking factor din umano ng pagpayag ni Maxene na magpa-sexy sa photo shoot ay ang kanyang kaibigan na si Raymond Gutierrez, na tumayong creative director ng photo shoot.

Ayon kay Raymond, bukod kay Maxene, may 20 iba pang modelo sa exhibit na kinabibilangan din nina Bianca King, Lovi Poe, Solenn Heussaff at ang stylist na si Liz Uy.

Sinabi ni Solenn na may topless photo siya sa exhibit pero naka-side ang pagkakakuha nito.



source: gmanews

No comments:

Post a Comment