Pormal nang Kapuso ang part-time commercial and print ad model na si Mikael Daez matapos siyang pumirma ng isang exclusive contract sa GMA Network.
Nauna nang napanood sa pilot episode ng Spooky Nights, naiibang hamon naman ang haharapin ni Mikael bilang isa sa mga leading men ni Marian Rivera sa Amaya .
Ang Amaya ang itinuturing pinakamalaking television production ng Kapuso Network. Gagampanan niya ang papel ni Lumad, isang uripon warrior na umiibig sa magandang si Amaya.
Isang true blue Atenista, nagtapos si Mikael ng kursong Business Administration sa edad na 23. Nagsimula siya bilang isang part-time commercial and print ad model at lumabas na rin sa TV commercials para sa iba’t -ibang sikat na local brands.
Kasama sa litrato sina (mula sa kaliwa) Atty. Annette Gozon-Abrogar (President, GMA Films), Mikael Daez, Atty. Felipe L. Gozon (Chairman and CEO, GMA Network, Inc.), at Jonas Gaffud ng Mercator Model Management.
source: gmanews.tv
No comments:
Post a Comment