Kabilang ang actress-talent manager na si Annabelle Rama sa mahigit 400 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Boeing 747 "jumbo" plane na nag-emergency landing sa Los Angeles International Airport (LAX) nitong Sabado ng umaga (Manila time).
Hindi kaagad nakalapag ang eroplano at kinailangang mag-“fly-by" bunga ng sumabog na isang gulong na dahilan kaya magkaroon ng tinatawag na “landing gear issue."
Mismong si Ruffa Gutierrez ang nagpaalam na sakay ng naturang eroplano ang kanyang ina sa pamamagitan ng pag-post niya sa Twitter nitong Sabado.
Sa unang post ni Ruffa tungkol sa insidente, humingi ito ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng eroplano: “Any news about PR 102 going to Los Angeles?! I heard its been circling the air for 3 hrs and they are running out of fuel! The plane can't land because PAL's landing gear is broken!"
Pagkaraan ng ilang oras, muli siyang nag-update tungkol sa eroplanong sinasakyan ng ina: “Just spoke to Mom @annabellerama2 who landed safely in LA. Lorin: "Did you pray the rosary 1,000 times Lola??" Naloka at natawa si Lola A!"
Batay umano sa kuwento ng kanyang ina, hindi ipinaalam ng piloto sa mga pasahero ang problema tungkol sa kanilang paglapag.
“Mom @annabellerama2 had no idea that PR102 had 'landing gear' problems. Pilot didn't announce so passengers wouldn't panic. Nagulat nalang sila when they saw fire trucks & paramedics on the runway," ayon sa aktres.
Ang makapigil-hiningang paglapag ng eroplano ay na-broadcast sa KCAL 9 News at nakalagay sa website ng CBS Los Angeles.
"He's very very close. She's coming over the fence. He's doing what he's supposed to do. He's slow. He's low and he's heavy. You can see the heat coming from all four engines. That's a very positive sign as well," pahayag ng reporter habang tinutukan ang makapigil-hiningang emergency landing.
Maging ang reporter at anchor na nagsagawa ng breaking news ay nakahinga ng maluwag nang makitang maayos na nakalapag ang eroplano.
"Perfect smooth landing there from Philippine Airlines," ayon sa reporter na inilarawan ang paglapag na, "solid and good."
"Uh, my goodness. Some tense moments here... for all of us," pahayag naman ng lady anchor.
source: gmanews.tv
Saturday, August 27, 2011
Annabelle Rama, sakay ng PAL plane na nag-emergency landing sa LAX
source: gmanews.tv
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment