source: gmanews.tv
Nagkaroon ng pagdiriwang para kay Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup nang bisitahin niya ang kanyang alma mater sa Makati noong Lunes ng hapon.
Ayon sa ulat ni Denver Trinidad para sa radio dzBB, sa pagbisita ni Supsup sa kanyang alma mater, ginawaran siya ng “Gawad Lakan Tagkan," ang pinakamataas na gatimpala sa lungsod.
“We regard Ms. Shamcey Supsup as a worthy recipient of the Gawad Lakan Tagkan for she is truly an inspiration to the Filipino youth. She is a wellspring of wisdom and experience, and an outstanding model to all Filipinos and other citizens of the world," pahayag ni Mayor Jejomar Erwin Binay Jr.
Ayon sa ulat ng dzBB, ipinarating ni Supsup sa mga mag-aaral ng Makati High School kung gaano sila kaswerte sa pagkakaroon ng libreng paaral sa lungsod.
Nagsimula ang parada ni Supsup mula Araneta Coliseum, Quezon City patungong University of the Philippines bago ito tumungong Makati City.
Nakapagtapos si Supsup bilang salutatorian ng kanyang batch sa Makati High School noong 2003. Naging aktibong miyembro rin siya sa kanilang Supreme Student Council.
Napadala na rin siya sa Japan noong akademikong taong 2001-2002 bilang isang exchange scholar student. Maliban pa rito, nagsilbi rin siya bilang kinatawan ng kanyang paaralan sa ilang leadership seminars.
Matapos ang kanyang parada sa Makati, tumungo na pabalik ang kanyang motorcade sa Araneta Coliseum
source: gmanews.tv
No comments:
Post a Comment