Dahil sa mga papuri ni Sid Lucero sa co-star niya sa Amaya na si Marian Rivera, biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na parang nai-in love na siya kay Marian.
Pero aniya, "In love ako sa process niya, sa pagiging artista niya, sa pagka-artista niya."
At hindi rin daw dapat sila dapat i-link ng isa pa nilang kasama sa show na si Glaiza de Castro.
Lately kasi ay nabibigyan ng kulay ang closeness nina Sid at Glaiza.
Tumawa muna si Sid bago sinabing, "Kasi sa industriya natin, bawal yata maging magkaibigan ang babae at saka lalake, e.
"Grabe naman! I'm what? I'm almost 30 already, hanggang ngayon ganun pa rin ang mga issues.
"Hindi, para sa akin, it's part of the job and then... I don't really care because she's my friend and she'll always be my friend.
"She's my little sister, lahat ng mga roles namin, lagi ko siyang kapatid.
"And her brother is a very, very, very, very, very respectable actor for me—isa sa mga idols ko rin ang kapatid niya."
Ang tinutukoy ni Sid ay ang ang indie actor na si Alchris Galura.
"So, para sa akin, iyon, na-misinterpret siguro yung pagkakaibigan namin," dagdag pa ni Sid.
LAST PROJECT IN GMA-7? Ang Amaya na ba ang last project ni Sid sa GMA-7? Babalik na ba siya sa ABS-CBN pagkatapos nito?
"I hope not!" sambit niya.
"I enjoy the way GMA has received me as a...yung treatment, ibang klase talaga.
"In fact, ako yung nahihiya minsan.
"And I really wish to stay as much as possible.
"Sa totoo lang, dito ako ipinanganak, e. Tapos tumanda ako sa kabila [ABS-CBN]."
Sa Kapuso network kasi nagsimula si Sid—una ang Narito ang Puso na sinundan ng Hanggang Kailan.
Lumabas din siya sa Darna at Etheria.
At ngayon ay per show ang kontrata niya sa Kapuso network.
May offer ba ang ABS-CBN na bumalik siya doon? Kinukuha ba siya ng TV5?
"Hindi ko alam, e, si Ricky [Gallardo, his manager] ang may alam niyan.
"So, yung involvement ko sa pagpili ng projects, binibigay ko lahat [sa manager ko].
"Hanggang yes or no lang ako. Pipiliin na ni Ricky, tapos yes or no lang ako.
"So, as far as what the plan is, kung may ibang offers, si Ricky ang may alam.
"Kasi ako, gusto ko lang namang umarte," saad niya.
GAY ROLE. Kailan siya gagawang muli ng gay-themed indie movie tulad ng Muli nila ni Cogie Domingo?
"Ewan ko."
Papayag ba siya ng gay role ulit?
"Papayag naman ako sa kahit anong film, pero kung...
"I don't mind playing a gay guy, pero if it's always sexually-oriented, ayoko na. Pareho na naman?
"Marami namang different kinds ng homosexuality, there's a broad spectrum, 'di ba?
"As many roles as there are, you know, I want to try all of them siyempre.
"Hindi ko kasi iniisip kung gagawin ko pa ba ulit ito or last ko na ito, hindi ako ganun, e.
"Pag nakita ko yung script, mapapansin ko na lang if I've done this already, pero maganda yung story, gagawin ko pa rin."
Ano ang pagkakapareho ni Sid sa role niya sa Amaya bilang Bagani?
"Kung paano sila magmahal, sobra, sobrang magmahal!" tumatawang sinabi ni Sid.
source: gmanews.tv
Saturday, October 22, 2011
Sid Lucero wishes to stay with GMA-7 longer even after Amaya
source: gmanews.tv
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment