source: gmanetwork.com
Inamin ng creative director ng isang fashion magazine na ginamitan ng Photoshop ang cover photo ng Pinay International singing sensation na si Charice pero hindi naman daw labis.
Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi nito na kakaibang Charice ang makikita sa cover ng Preview magazine.
Mula sa pagiging sweet, nag-transform daw bilang glamorosang cover girl si Charice na nakatawag ng atensiyon sa marami.
Kaya naman ang naturang cover photo, mainit na pinag-usapan sa mga social networking sites gaya ng Twitter.
Pero paliwanag ng creative director na si Vince Uy, kahit ginamitan nila ng photoshop ang larawan ni Charice, hindi naman ito sobra-sobra.
Sadya lang daw na nag-transform si Charice sa photo shoot at makikita naman ito sa ipinalabas na video ng behind the scene ng pictorial.
Sinabi pa ni Vince na maging ang foreign road manager ni Charice ay namangha sa new look ng Pinay international singer.
At hindi nga raw magugulat si Vince kung makita niya si Charice na gamitin muli ang naturang “look" kung saan mas mahaba ang buhok niya sa photo cover na pinapaniwalaang nagpabago sa itsura ni Charice.
"If she does this look anytime in the future we won't be surprised," ani Vince. “The hair is what really makes Charice different."
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment