Tuesday, January 31, 2012

Housing project sa mga guro uumpisahan na

source: remate.ph


SISIMULAN na ng Quezon City government ang pagtatayo ng dalawang medium rise building para maisakatuparan ang proyekto ng Housing Urban Renewal Authority (HURA) na laan para sa mga pampublikong guro sa Quezon City.

Hinihintay na lamang ng Quezon City government ang basbas ng National Housing Authority (NHA) para magamit sa proyekto ang may 13,000 square meters na lawak na lupain sa Kalantiaw, Project 4 na ibinigay ng NHA sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa tanggapan ng HURA, sumulat na sila sa NHA kung kaya inaasahan nila na matatapos sa loob ng walong buwan ang dalawang medium rise buildings na may tig-limang palapag.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan bunsod na rin ng kahilingan ng samahan ng mga gurong may pamilya sa lungsod na nangungupahan sa mga squatter area na hindi bababa sa P3,000 kada buwan

Kaugnay nito, nakatakda sa Marso ng taong ito ang ground breaking ceremony sa pagsisimula ng konstruksiyon ng dalawang gusali, proyekto ng Kalantiaw housing project.

source: remate.ph

No comments:

Post a Comment