Saturday, April 14, 2012

Pinakamataas na bahagi ng highway sa Pilipinas

source: gmanetwork.com


Alam niyo ba kung saan matatagpuan ang pinakamataas na bahagi ng highway sa Pilipinas na tinatayang nasa 7,400 feet above sea level?

Ang “highest highway point" ng kabuuang Philippine Highway System (Halsema Highway), ay matatagpuan sa Kilometer 52 sa bayan ng Atok sa lalawigan ng Benguet.

Sa inilagay na view deck ng Department of Tourism sa lugar na ito, kabilang sa magagandang tanawin na makikita ay ang Mt Pulag, pangalawa sa pinakamataas na bundok sa bansa.

Tinatayang may tatlong oras mula sa Baguio City ang lugar para marating. Malamig ang temperatura at madalas na maulap lalo na kung panahon ng tag-ulan. - FRJimenez, GMA News

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment