Kadarating lang ni Alden Richards mula sa naging successful red-carpet premiere ng pelikula nilang The Road sa Hollywood noong May 9.
Anim na araw lang daw siyang nakapag-stay sa Amerika.
Hindi naman itinatanggi ni Alden ang naging excitement niya sa biyahe sa U.S., lalo pa’t ito kauna-unahan niyang out-of-the-country trip.
Masaya at may pagmamalaking kuwento ni Alden nang makasalubong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng GMA Network nitong Huwebes, May 17, “Kararating ko lang po noong Tuesday [May 15].
“Six days and five nights din po ako pero nauna po sila [other cast members].
“Ang nakasama ko po sa flight, yung dalawang AVP po na sina Ms. Redgie Magno at Ms. Marivin Arayata.
“Yung flight, first class po, ibang klase, parang hotel ang feeling!
“First out of the country ko po. ‘Tapos, nag-premiere pa ang The Road, Hollywood pa po.
“Saan ka pa po?"
Ano ang pakiramdam ng una niyang biyahe sa labas ng bansa?
Ani Alden, “Siyempre po noong una, hindi ako mapagkatulog sa sobrang excitement ko.
“Hindi ko alam kung ano ang una kong pupuntahan sa sobrang dami ng itinerary namin noon nandoon kami.
“Pero nasulit ang six days. Biro n’yo, nakatatlong theme park ako—Disneyland, Magic Mountain, at saka Universal Studios.
“Yun nga lang, nagkaroon ako ng jet lag doon from the Philippines.
“Yung jet lag ko from the Philippines, hindi ko masyadong na-cope doon.
“Pagdating dito, bale nagpatong sila. So, medyo hirap akong matulog sa ngayon.
“Pero, okay naman, sulit naman ang experience."
GOOD FEEDBACK FOR THE ROAD. Masuwerte kung tutuusin si Alden dahil kahit baguhan pa rin siyang maituturing sa mundo ng showbiz, nadaig pa niya ang maraming artista dahil iilan lang ba ang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-red carpet premiere sa Hollywood?
Sabi pa ni Alden tungkol sa The Road, “Naku, sobrang ganda ng mga naging feedback sa mga nanood—not a very typical horror film daw.
“’Tapos pati L.A. and U.S. Times, ang ganda ng feed.
“Talagang hands down ako kay Direk Yam Laranas at very thankful ako sa GMA Network, sa Diyos, sa pagbibigay sa akin ng chance.
“Ibang level ‘to! Yung dati kong pinangarap, lahat natupad noong araw na yun.
“Kaya talagang dreams come true.
“Pag-apak ko sa red carpet, naiiyak-iyak ako. Parang totoo ba ‘to? Ito na ba ang red carpet?
“’Tapos nakapunta ng Hollywood. Na-interview ng Fil-Am press…"
PROUD TO BE PINOY. Kinamusta rin namin kay Alden ang pagkakakilala naman sa kanya ng press sa U.S.
“Sabi po nila, Alden Richards, nakikita na raw nila sa My Beloved, nanonood daw ang iba doon.
“At sa mga Fil-Am naman, sobrang bumilib sila…
“Kasi nagkaroon ng unang screening for the Fil-Am, at sinabi nila, ‘Parang mahirap ang role mo, hindi ka ba nahirapan?’
“At sabi ko nga po, ‘Mahirap talaga pero pinaghirapan kong mabuti kasi, dream role ko yun.’
“So far, ang ganda ng naging result at sobrang successful po yung The Road."
Mas lalo raw siyang naging proud maging Pinoy noong nandoon na sila sa premiere night.
“The fact na nare-recognize nila yung movie…
“During the screening, walang tumatayo sa kanila, talagang tahimik. Nakakatuwa po."
Hindi raw talaga na-imagine ni Alden na nang gawin niya ang The Road noong isang taon ay aabot ito hanggang sa Hollywood.
“Sabi ko nga po, okay na ako na maging successful ito sa Pilipinas, malaking tulong na po ito sa career ko. Sabi ko noon.
“’Tapos, dumating pa ang opportunity na ito. Talagang wala na akong masabi, umaapaw na ang blessing sa akin ngayon.
“Overwhelmed po ako. Sobrang thankful po ako sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon," sunud-sunod na sabi ng Kapuso young actor.
Aware si Alden na mabilis ang mga nangyayari sa career niya ngayon kaya naman panay ang pasasalamat niya.
“Medyo mabilis siya, pero kung ano po ang nasimulan, yun lang po ang ipagpatuloy. Yun po ang nagdala sa akin dito.
“Hindi ko naman po sinasabi na may narating na ako, pero marami pa po akong kakainin, unlike po doon sa mga nauna sa akin.
“At talagang ipagpapatuloy ko lang po ito.
“Yung hard work, naniniwala po ako, it pays off. Kaya lahat ng project, gagalingan mo and it will really take you to places."
source: gmanetwork.com
Saturday, May 19, 2012
Alden Richards more proud to be Pinoy after successful red-carpet premiere of The Road in Hollywood
source: gmanetwork.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment