Friday, September 14, 2012

Mike Tan: 'Hindi talaga ako puwedeng sumobra ng pagda-diet, kasi nagmumukha akong bungo'

source: gmanetwork.com

Dalawang taping days na lang ang natitira hanggang sa pagtatapos ng panghapong teleserye ng GMA-7 na Faithfully.

Sa loob ng mga araw na ito, sinabi ni Mike Tan na in-adjust ng management ang taping ng show para sa paghahanda ng aktor sa gaganaping Bench Universe Underwear Fashion Show.

Magaganap sa Huwebes at Biyernes (September 13 at 14) sa SM Mall of Asia Arena ang Bench show.

Isa ang aktor, na gumaganap na Perry EscaƱo sa Faithfully, sa mga rarampa sa malaking event na ito ng clothing company na pagmamay-ari ni Ben Chan.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike noong Martes, September 11, sa GMA-7.

Sabi niya, “Actually, nagpapasalamat ako sa E.P. [executive producer Carol V. Galve] namin dahil ina-adjust niya.

“May time rin na kung minsan, nale-late ako sa taping dahil kailangan ko pang mag-gym.

“Pero sobra ang pasasalamat ko sa kanila kasi naiintindihan nila."

END OF SHOW.
Medyo malungkot daw si Mike na malapit na ngang magtapos ang taping nila, kahit na nag-extend na ng ilang weeks ang show.

“Sobrang saya kasi ng taping. Ito yung pinakamasayang naging grupo.

"Mula sa director [Mike Tuviera], E.P [Ms. Galve], hanggang sa pinakababa.

“Mabait silang lahat, pati yung cast. Sobrang bonding lahat...kuwentuhan

"I’m sure, nakaka-miss."

EXCHANGE ROLES.
Kasama ni Mike sa Faithfully si Marc Abaya bilang Kevin Quillamor, ang may pagka-pyschotic na karakter sa show.

Aminado si Mike na nakakaramdam daw siya ng inggit sa role ni Marc.

“Sobrang interesting ang role niya. Minsan naiinggit ako. Sabi ko nga sa kanya, ‘Pare, gusto ko rin gawin ‘yan.’

“Gusto ko kasi na parang, yung pagiging psycho. Actually, matagal ko nang sinasabi yun. Isa yun sa mga dream [role] ko na parang psycho.

“Kaya kapag nakikita ko siya na ganoon, sabi ko talaga sa kanya, naiinggit ako," natatawa niyang sabi.

Pero si Marc naman daw ang hindi masyadong gusto ang role niya.

“Nasasamaan kasi talaga siya. Mahirap talaga yung character niya na parang mama’s boy. Iba...iba.

“Mahirap talaga ang role niya kaya gusto ko."

At kung sakaling bigyan ng chance na mabigyan ng ganoon ngang role, doon na ba ibubuhos ni Mike ang lahat ng kanyang kakayahan sa pag-arte?

“Ang sarap kasi minsan na maglaro. Para sa akin, isa siyang playground na puwede kang maglaro… Puwede kang mag-experiment. Yung ganoon."

BENCH SHOW.
Tungkol naman sa pagrampa niya mamaya sa Bench show, anong preparasyon nga ba ang ginawa niya?

“Gym, diet…yung diet ko, iba-iba siya," sagot ni Mike.

“Iba-iba kasi ang diet. May kamote, may isda, may manok. Araw-araw, iba-iba rin ang kinakain mo."

Ipinagmalaki pa ni Mike na all-organics ang kanyang diet.

“Yung tubig, nag-iiba-iba rin. Pero kailangan, ang tubig na iniinom ko, distilled. Wala na talaga siyang mineral.

“Kumbaga, pag-ihi mo, iihi mo na rin. Kasi kunwari ang dory, ang itlog, may natural mineral content.

“At yun ang palaging sinasabi ng trainor ko, si Ferdinand Laforteza ng Extreme.

“Dumadayo pa ako sa may Don Antonio Heights, kasi alam ko maganda yung gym at para sa akin, magaling ang trainor ko."

GUEST MODEL.
Hindi naman pala celebrity endorser si Mike ng Bench, pero isa siya sa rarampa—paano siya napapayag?

“Noong sinabi sa akin ng handler ko, si Kuya Darryl Zamora na kasama nga raw ako, sabi ko naman, ‘Ok.’

“At tingin ko naman kasi, ang Bench, iba rin ang prestige na naibibigay sa artista.

“Para mapabilang ka rin naman, alam natin, lahat sila kilalang mga artista.

“So, noong sinabi sa akin ng manager ko, kasama nga raw ako, natuwa naman ako.

“Kahit dati sabi ko, ok yun. Sana one of these days, makasama rin ako."

Noong isang taon unang naranasan ni Mike na rumampa sa Cosmopolitan Philippines' Bachelor Bash na naka-brief.

Ano naman kaya ang maipapakita niya ngayon sa Bench?

“Sa tingin ko naman, kung nag-brief ka na, wala ka nang huhubarin," natatawa niyang sabi.

“Pero hindi ko po alam kung ano ang gagawin sa Bench fashion show. Hopefully, maganda ang mangyari.

“Pero ang sabi ng handler ko, ako yata ang mag-o-open ng isang segment sa mga models."

CONFIDENT.
Kumpara noong isang taon, masasabi niya kayang mas confident na siya ngayon?

“Hindi ko alam. Kasi usually ang mga ganitong bagay, kinakabahan ako.

“Nakakakaba kasi ang mga kasama mo malalaking artista.

"Ako naman, hindi ko naman pinangarap magkaroon ng malaking katawan.

“Ang gusto ko lang, healthy ako, lean ako.

"Hindi talaga ako puwedeng sumobra ng pagda-diet, kasi nagmumukha akong bungo.

“At yun ang iniiwasan ko dahil sa TV, importante ang hitsura mo."

“Although kung ikukumpara natin ang body ko from Cosmo [Bachelor Bash] at saka ngayon, mas gusto ko ang katawan ko ngayon…

“Hindi masyadong payat at hindi rin naman ganoon kalaki. Hindi rin ganoon ka-buff, pero, mas ok sa akin ‘to."

Ano ang puwedeng asahan sa kanya sa dalawang gabi ng pagrampa niya sa show.

“Naku, ano ba? Siguro ano na lang…kung anuman ang makita ninyo, sana magustuhan ninyo bilang pinaghirapan ko rin naman lahat."

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment