Wednesday, September 05, 2012

Raymond Gutierrez on Richard-Sarah rumored romance: 'Kung ano ‘yong nakikita niyo, I think iyon na'

source: gmanetwork.com

Ngayong linggo, most liked sa Instagram ang photos nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nang magbakasyon ang dalawa sa Boracay.


Kabilang sa mga larawan ay ang dinner ng dalawa, at ang isa pa ay habang tumatambay sila sa isang swimming pool. Patunay na nga kaya ito na mas nadevelop at close ang dalawa pagkatapos ng kanilang paradise getaway?

Dahil ang isa sa mga host ng H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis) ay si Raymond Gutierrez, inusisa ito ng iba pang hosts ng talk show na sina Roderick Paulate, Regine Velasquez at Jennylyn Mercado, kung ano na nga ba ang totoong score sa pagitan ng kanyang twin brother na si Richard at sa Kapuso actress na si Sarah.

Si Kuya Dick ang unang nagtanong kay Raymond kung totoo nga ba ang balitang sweet na sweet ang dalawa sa kanilang Boracay getaway.

"They did take a vacation sa Boracay, at actually nililibre ako doon ni Chard (Richard). Actually, he just want to treat the brothers… it’s me, Elvis and RP na gusto niyang makasama together with Sarah and her family. Gusto niya na magkasama-sama lahat and he thinks na perfect time ‘yon to know each other," paliwanag ni Mond.

Magwawakas ngayong linggo hit primetime soap sa GMA 7 nina Richard at Sarah na Makapiling Kang Muli. Pero kahit matapos na ang serye, sinabi ni Richard na patuloy silang magkikita ni Sarah.

Ayon naman kay Raymond, sina Sarah at Richard lamang ang nakakaalam kung ano ang real score between them.

“I think close sila. But ako naman kasi I don’t think na dapat ako magsalita about that, because it’s Richard. I think the pictures can speak for itself at kung ano ‘yong nakikita niyo, I think iyon na," patuloy niya.

Muling nagtanong si Kuya Dick kung masikretong tao si Richard dahil hindi nito idinidetalye kung ano ang mayroon sa kanila ni Sarah.

“I don’t think he is secretive. Pero I think pagdating sa love life niya, I think he is," tugon ni Mond.
source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment