Thursday, November 15, 2012

YouTube sensation Zendee Rose, tampok sa pilot episode ng 'Magpakailanman'

source: gmanetwork.com

Tampok sa pilot episode ng nagbabalik programang “Magpakailanman” ang storya ng buhay ni YouTube singing sensation Zendee Rose.
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Martes, makikita raw sa nasabing palabas kung paano napahiya at hindi matanggap si Zendee ng mga kakilala niya dahil sa kanyang pagkanta. Gayundin, ipakikita rin dito kung paano siyang nagpursigi sa kabila ng kanyang pagkabigong manalo sa mga singing contest.
"Sa akin na lang po lahat umaasa. Sabi pa ng mga tita [at] tito ko, Zendee, ikaw na lang pag-asa namin. So ako gusto pong 'Sige, gagawin ko ‘yan, gagawin ko po ang lahat habang nandito ako.' Basta pamilya talaga very ano ako, emotional," pahayag nito. Kwento pa ni Zendee, akmang-akma raw ang storya ng kanyang buhay sa “Magpakailanman” dahil ang programang ito ay naglalahad ng sakripisyo at sa tagumpay sa buhay ng mga Pilipino. Maliban dito, nagbigay din ng payo si Zendee sa mga taong nangarap at patuloy na nangangarap tulad niya. Aniya, "Huwag po kayong susuko agad at saka kumbaga, instead, mag-practice po kayo ng mag-practice para sa next may laban na kayo, ganon, magiging... hindi po kayo mahihiya at saka feeling niyo talaga na kaya niyo. Para kay Zendee, ang paniniwalang lahat ay naaayon sa plano ng Diyos ang masasabi niyang pinaka-malaking aral na maibabahagi niya sa mga viewers ng nasabing palabas. "Always, hingi ng prayers kay God na tulungan kayo, na gabayan kayo kasi 'yon po talaga ang importante sa lahat. Hindi niya kayo pababayaan," saad nito. Nakilala ang mang-aawit sa isang video na naging viral sa internet kung saan bumibirit siya sa videoke stand sa isang mall. At kung ang dati ay nanunuluyan siya estasyon ng bumbero, ngayon naman ay napapanood na siyang bumibirit sa Kapuso Sunday show na Party Pilipinas. Maliban dito, may album na rin si Zendee at nag-guest na rin siya sa kilalang US talk show na Ellen. Mapapanood ang pilot episode ng “Magpakailanman” ngayong Sabado, 8:30 ng gabi.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment