Wednesday, December 19, 2012

Ika-34 na kaarawan ni Pacquiao, dinaluhan ng mga kilalang personalidad

source: gmanetwork.com

Magarbo ang naging angel-inspired na selebrasyon para sa ika-34 kaarawan ni Pambansang Kamao Manny "Pacman" Pacquiao na ginanap sa General Santos City.
Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa Kape at Balita nitong Martes, dinaluhan ang nasabing pagdiriwang ng mga kilalang personalidad sa loob at labas ng bansa.

Kabilang sa mga dumalo at nagpasaya sa mga bisita ay ang mga komedyanteng sina Bayani Agbayani at Long Mejia, at ang mga batikang mang-aawit na sina Gary Valenciano, Kuh Ledesma at David Pomeranz.

Hindi rin nagpatalo si PacMom o si Mommy Dionisia, na nagpatahi pa ng damit para sa kaarawan ng kanyang minamahal na anak.

Mas naging kumpleto naman ang kaarawan ni Pacquiao dahil sa performance ng kanyang mga anak na sina Jimwell, Michael, Princess, at Queen Elizabeth.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment