Tuesday, January 15, 2013

Annabelle Rama, sinabing nakaalis na ng bansa si Sarah Lahbati; itinangging buntis ang aktres

source: gmanetwork.com

 Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Martes, sinasabing kinumpirma ni Annabelle Rama na nakaalis na ng bansa patungong Switzerland nitong Linggo ng gabi ang kontrobersiyal na young actress na si Sarah Lahbati.
Sa artikulong isinulat ni Gorgy Rula na lumabas sa entertainment news website na PEP, sinabi ni Annabelle na kasama ni Sarah sa pag-alis ang ina ng aktres.

Nauna nang napaulat na plano ng aktres na bumalik sa Switzerland at manatili doon ng ilang buwan para mag-aral. Inamin din niya na nagkaroon siya ng hindi pagkakaunawaan sa humahawak sa kanyang career sa GMA Network.

Kwento ni Annabelle, inihatid niya ang mag-ina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at tinulungan ang mga ito sa pagpapa-check-in hanggang sa nakapasok sa pre-departure area.

Nangangamba daw ang mag-ina na baka hindi sila makalabas ng bansa dahil na rin sa mga kasong isinampa sa kanila kamakailan ng GMA Network dahil sa paglabag umano sa kontrata.

May hiwalay na kasong libelo naman na isinampa si GMA Films President Annette Gozon-Abrogar dahil sa mga ipinost na tweet ni Sarah.

Si Sarah ay nobya ni Richard Gutierrez, anak ni Annabelle.

Itinanggi rin ni Annabelle ang mga hinalang buntis si Sarah.

Hindi naman daw nagbigay ng komento si Annabelle tungkol sa mga kasong kinakaharap ng aktres.

Pero binigyan daw niya ng "release" paper si Sarah bilang co-manager ng aktres nang hingin ito sa kanya para hindi na raw lumala ang problema.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment