Friday, January 04, 2013

Gab de Leon, 'di raw ginamit ang mga artistang magulang para makapasok sa showbiz

source: gmanetwork.com

Ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ang paborito ni Gab de Leon sa mga pelikula ng ama niyang si Christopher de Leon. 
“Yung unang-una siyempre! Napanood ko mga four years ago—ang galing!

“So ayun. May DVD na noon... kinuha ko, pinanood ko, ang ganda!" bulalas ng baguhang male star.

Ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay ang 1974 movie na idinirek ng yumaong National Artist For Film na si Lino Brocka. Bukod kay Chrostopher, tampok din sa pelikula ang award-winning actors na sina Loli
Rodriguez, Eddie Garcia, Hilda Koronel, at Mario O'Hara.

Dahil sa paghanga niya sa pelikula, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gab kung gusto niya bang gampanan ang role ng ama kung ire-remake ang classic film na ito.

“Well, if I’m right for the job... ayun," sagot niya.

Okay lang daw kay Gab kung dadaan siya sa audition process.

“Kasi, you know, if you’re not right for the role naman, sometimes may naghi-hinder rin.

“That’s why I think audition processes are fair naman," sabi ng twenty-year-old newcomer.

FAVORITE ACTOR. Sa ngayon, drama at action ang genre ang gustong pasukin ni Gab. Sino naman ang favorite actor niya?

“You don’t have to ask me!" sabay-tawa niya.

Of course, ang ama niyang si Christopher de Leon ang kanyang tinutukoy.

“He’s one of the best talaga sa business, you can’t deny that."

Bukas ang isip ni Gab sa pagpapaka-daring bilang artista at alam niyang nagpaseksi rin sa pelikula at pictorials ang daddy niya noong araw.

“He did that before," pagsang-ayon niya.

Si Gab, handa kayang gawin din ito?

“Well, yeah. I think may understanding ka dapat na it’s part of the job din, so if I have to go through that, then why not?

“’Coz people are doing it rin and ayun... it’s really part of the job."

How far will he go?

“How far? Well, maybe I can wait a little longer... how many years pa.

“Right now, what I’m concentrating on is doing the best acting I can do for the show, for Teen Gen.

“I’m concentrating talaga on Teen Gen... so iyon—one by one."

DREAM ROLE. Isa si Gab sa mainstays ng youth-oriented show ng GMA-7 na Teen Gen, na napapanood tuwing Linggo ng hapon.

Ano ba ang dream role ni Gab?

“A, wala pa naman, something dramatic lang and very meaty yung role... ayun."

Kahit nga anak siya nina Christopher at Sandy Andolong, pumila raw si Gab para mag-audition sa Teen Gen.

“I did the audition po. Nag-lineup din ako kasama ng ibang mga nag-audition," pagmamalaki niya.

Okay lang sa kanya iyon kahit na anak siya ng mga sikat na artista?

Tugon niya, “No, I don’t have that.

“I’m not here for that po... I’m here mostly 'coz I want the job.

“'Coz gustung-gusto ko yung craft na acting so I’m just after... like if anyone does their job good, then why not?

“So I tried to do my best."

INFLUENCE. Bakit niya gustong maging artista?

“Ever since, passion ko is film and TV. So it’s in my genes din.

“Pero I know it’s also my passion ever since."

Walang influence sa kanya ang parents niya sa pagpasok sa showbiz?

“Mostly from watching yung influence—watching films."

Walang prodding o pamimilit?

“None," giit ni Gab.

“Actually they wanted me to finish college first before mag-artista."

Nakatapos ng kursong Photography si Gab sa La Salle College of St. Benilde.

“I love photography!" bulalas niya.

CHOICE. Ngayong graduate na siya ay isinasabay niya ang photography sa acting, bakit sa GMA-7 siya pumasok?

Sagot ni Gab, “I think the offers here are good.

“And what they do naman is, I think, where I can also try to start off my career.

“And I thank them for this opportunity... I’m very grateful."

Kanino siya nakakuha ng acting talent niya—his mom or his dad?

“Both actually. Kasi dad ko, nag-start siya sixteen years old pa siya.

“Mom ko, nag-study ng acting din abroad.

"Ang grandparents ko rin, mga artista... Kuya Ian ko, so it’s really sa line din, e.

“Yung mga ibang siblings ko naman, they love films din, pero they’re not getting into showbiz."

FAMILY. Ka-close ba ni Gab ang Kuya Ian de Leon niya?

“He lives with us," sabi lang niya.

Ka-close din ba niya sina Lotlot at Matet de Leon?

“Iba bahay nila. I see her sometime, we’re okay... When we get together, we talk.

“They call me ‘Kuya’ or ako naman, ‘Ate Lot,’ ‘Ate Matet.’ Ganoon."

Plano ni Gab na magtagal sa showbiz at hindi subok lamang.

“No, as I said, this is my passion.

“This, I think, is yung magandang starting point for a career," kumpirma niya.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment