source: dzmm.abs-cbnnews.com
Nagpalabas na ng traffic rerouting ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa mga motoristang dadaan sa Maynila na matatapat sa mga aktibidad ng kapistahan ng Black Nazarene sa Enero 9.
Narito ang ruta ng Traslacion ng Black Nazarene, batay sa MMDA official Twitter account:
Mula sa Quirino Grandstand (Luneta) ay kakanan ito sa Katigbak Driver hanggang P. Burgos, kakaliwa sa Taft Avenue (P. Burgos) hanggang McArthur Bridge, kakaliwa sa Palanca hanggang sa ilalim ng Quezon Bridge.
Matapos nito, kakaliwa ang prusisyon sa Quezon Boulevard, kakaliwang muli sa Castillejos, kaliwa sa Farnecio at kakanan sa Arlegui. Kaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila, kanan sa Carcer, kanan sa Hidalgo hanggang Plaza Del Carmen, at muling kakaliwa sa Bilibid Viejo hanggang Puyat.
Sunod na kakaliwa sa Guzman, kakanan sa Hidalgo, kaliwa sa Barbosa, kanan sa Globo de Oro hanggang sa Quezon Bridge, kakanan sa Palanca, muling kakanan sa Villabos hanggang sa Plaza Miranda papasok ng Quiapo Church.
Asahan naman aniya ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na apektadong lugar:
1 . Kahabaan ng Roxas Blvd./Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang TM Kalaw (parehong lane).
2. Southbound ng Quezon Blvd. mula Recto hanggang Palanca (subway-Isetan Recto)
3. Kahabaan ng Lerma mula P.Campa hanggang Quezon Blvd.
4. Taft Ave./Finance (westbound lane).
5. Lagusnilad/P.Burgos (westbound lane).
6. P.Burgos/Taft Ave (Freedom Triangle-northbound lane).
7. Villegas/N.A Lopez.
8. 25th Street/Bonifacio Drive (southbound lane).
Narito naman ang listahan ng mga isasarang kalye kaugnay ng Traslacion ng Black Nazarene:
1. Enero 8, 2013, alas-8:00 ng umaga, isasara sa daloy ng trapiko ang Katigbak Drive at South Drive.
2. Simula alas-4:00 ng madaling araw sa Enero 9, 2013, hindi muna padadaanin ang mga Public Utility vehicles (PUV) sa southbound lane ng Quezon Blvd. (Quiapo), mula Andalucia/Fugoso hanggang Plaza Miranda; at España/P.Campa/Lerma.
3. Simula alas-5:00 ng madaling araw, sarado na sa mga sumusunod na kalsada sa lahat ng uri ng sasakyan:
North Area
1. P. Campa/España
2. Nicanor Reyes/España
3. Andalucia/Fugoso
3. Recto/Isetan (Service Road)
4. Raon/Evangelista
Samantala, alas-6:00 ng umaga naman isasara ang mga sumusunod na kalye:
South Area
1. Ma. Orosa/P.Burgos
2. Lagusnilad/P.Burgos
3. Taft/Finance/Westbound
4. A. Villegas/Taft Ave. (LRT)
5. 25th Street/Bonifacio Drive
6. N.A. Lopez/A. Villegas
7. Anda Circle/Bonifacio Drive
8. Gen. Luna/P.Burgos
9. Roxas Blvd./TM Kalaw
10. Katigbak/Roxas Blvd.
RE-ROUTING NG MGA SASAKYAN:
1. Lahat ng sasakyan mula Quezon City na dumadaan sa España ay kakanan sa P.Campa, kakaliwa sa Andalucia, kakanan sa Fugoso, kakaliwa sa T.Mapua hanggang sa kanilang destinasyon.
2. Lahat ng PUJs o light vehicle mula España na nais sanang magtungo sa South Pier Zone ay kumaliwa sa Nicanor Reyes, kumanan sa Recto hanggang JAS, kumaliwa sa Reina Regente via Jones Bridge, at muling kumanan sa Magallanes Drive hanggang sa kanilang destinasyon.
3. Sa lahat ng sasakyang manggagaling sa hilagang bahagi ng Maynila na nais sanang daanan ang Bonifacio Drive southbound, maaaring kumanan sa Roberto S. Oca street, kaliwa sa Delgado, kaliwa sa 25th street, kaliwa sa Bonifacio Drive (para sa mga Port Area offices), o kaya'y kumanan sa Soriano hanggang Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos, hanggang dumiretso sa Lagusnilad hanggang Taft Avenue.
4. Sa lahat ng sasakyang magmumula sa katimugang bahagi ng Maynila na nais sanang dumaan sa P. Burgos ay kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Taft Avenue, kanan sa A. Villegas, kanan sa Quezon Bridge hanggang sa kanilang destinasyon (NOTE: Bukas ang northbound ng Quezon Boulevard sa daloy ng trapiko).
5. Lahat ng sasakyang magmumula sa katimugang bahagi ng Maynila na nais dumaan sa nortbound ng Roxas Boulevard mula P. Ocampo hanggang P. Burgos, ay dapat kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Taft Avenue hanggang sa kanilang destinasyon.
6. Sa lahat ng PUJs na may biyaheng Monumento-Gasak-Recto at nais dumaan ng Andalucia hanggang Recto ay dapat kumanan sa Oroquieta hanggang sa kanilang destinasyon.
7. Sa lahat ng sasakyan mula sa Legarda ay dapat kumanan pa-Recto o kaya'y kumaliwa sa Mendiola hanggang sa kanilang destinasyon.
8. Para naman sa lahat ng sasakyang gumagamit ng Taft Avenue northbound ay dapat kumanan sa A. Villegas (Arroceros), at kumanang muli sa Quezon Bridge hanggang sa kanilang destinasyon.
9. Lahat ng heavy vehicles o cargo truck na magmumula sa South Superhighway ay dapat dumiretso sa Pres. Osmeña highway, diretso sa Pres. Quirino Avenue, hanggang Nagtahan, via Lacson hanggang Capulong o vice versa.
10. Sa mga motoristang nais tumulak pa hilaga o timog ng Maynila, maaaring dumaan sa kahabaan ng AH Lacson hanggang Nagtahan (vice versa) o kaya'y gamitin ang Road 10 hanggang Roxas Blvd. (vice versa) hanggang sa kanilang destinasyon.
11. Sa lahat ng bus na manggagaling sa silangang bahagi ng Maynila, partikular ang G-Liner/RRCG bus na gumagamit ng Legarda, ay dapat kumanan sa Palanca hanggang Quiapo, hanggang sa kanilang destinasyon.
12. Sa lahat ng bus na magmumula sa Taft patungong Fairview ay dapat kumanan sa UN Avenue hanggang Otis, kaliwa ng Nagtahan, diresto ng AH Lacson, kanan ng España hanggang sa kanilang destinasyon.
13. Sa lahat ng bus na manggagaling sa katimugang bahagi ng Maynila, Laguna, at Cavite na gumagamit ng Taft Avenue ay hindi maaaring pumasok simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon. Papayagan lang sila hanggang Remedios street, kanan sa San Marcelino hanggang sa kanilang destinasyon.
source: dzmm.abs-cbnnews.com
No comments:
Post a Comment