Walang sama ng loob ang batikang TV host at newspaper columnist na si Ricky Lo sa Les Miserables star na si Anne Hathaway kaugnay sa kinalabasan ng kanyang panayam sa Hollywood star na mainit na pinag-usapan sa Internet kamakailan.
"And, most importantly, I want to make it clear that I hold no grudge against or any resentment toward Anne Hathaway," pahayag nito.
Sa film remake na Les Misables, ginampanan ni Anne ang karakter ni Fantine, na ginampanan din noon ng kanyang ina na si Kate Mc-Cauley Hathaway, at ng Filipina Broadway star na si Lea Salonga sa teatro.
Sa taped interview ni Lo kay Anne para sa Philippine Star na inilabas sa Internet, ilang tanong ng TV host-columnist ang iniwasang sagutin ng Hollywood actress katulad ng kanyang pag-usisa kung papaano nito nagawang magbawas ng timbang para sa karakter ni Fantine.
Hindi naging maganda ang ilang reaksiyon ng ilang netizens sa kinalabasan ng panayam sa Hollywood actress.
Sa kanyang kolum nitong Miyerkules, sinabi ni Lo na napaiyak siya ni Anne pero hindi dahil sa naturang panayam kung hindi sa husay sa pag-awit at pag-arte ng aktres sa eksena nang awitin nito ang "I Dreamed a Dream."
"We reviewed the tape before uploading it and, honestly, we didn't find anything wrong with it. In fact, being used to interview Hollywood stars for more than two decades now, I found it more amusing than anything," ayon kay Lo.
Sa isang bahagi ng panayam, napag-usapan din nina Lo at Anne ang ipinaabot na mensahe ni Lea Salonga para sa Hollywood actress.
Naitanong din ni Lo kung ano ang mga ginawang paghahanda ng aktres sa kanyang karakter bilang si Fantine na isang prostitute, at kung nakaranas din ba siya ng pagkagutom.
Ngunit para kay Anne, may pagka-personal ang ilang katanungan kaya ayaw niyang pag-usapan. Tumanggi rin siya na imbitahan ang mga tao na manood ng kanyang pelikula. Sa halip, nakangiting ipinasa niya kay si Lo ang pag-imbita.
"I was surprised why Anne found 'too personal' the questions about how she regained the 25 pounds that she had lost and how, for somebody perceived to lead a life of comfort and luxury, she was able to identify with Fantine who, in the Victor Hugo novel on which the musical was based, was driven by poverty to prostitution," pag-amin ni Ricky.
Pero napansin daw niya na wala sa "mood" ang aktres nang araw na gawin ang nasabing interview.
“Was I offended? No, I wasn’t. Was I ‘intrusive’? I don’t think so. Did I find her ‘rude’? Hmmmm, only a bit, although I must say that (ehem!) the more than 200 other Hollywood stars I have interviewed were absolutely more delightful, far nicer and totally engaging," dagdag ng batikang Pinoy showbiz columnist at TV host.
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment