Magkasamang nanood ng Foursome concert (nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pops Fernandez at Martin Nievera) sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. noong Huwebes, February 14, sa SM Mall of Asia Arena.
Ayon kay Dra. Vicki, sa kabila ng mga nangyari, nakasuporta pa rin daw siya kay Hayden ngayong aktibo na itong muli sa showbiz.
“Oo nga, e. Well, I’m excited for his movie. Medyo matagal na nga yung ginagawa, di ba?
Matatandaang napabalita late last year na kasama si Hayden sa pelikula
ng Regal Entertainment na “The Bride and The Lover,” na pagbibidahan
nina Lovi Poe at Jennylyn Mercado.
“Whatever makes him happy, okay lang naman ako whatever makes him happy talaga,” pahayag ni Dra. Vicki.
Paano nila mailalarawan ang kanilang relasyon ngayon?
“Kasi whenever we’re together talaga, nagiging malas, e,” ang tumatawang sinabi pa ni Dra. Vicki.
“So, sabi namin, ‘Huwag na tayong mag-together. Parang mas maganda yung, ‘Ano ba tayo?’ ‘Hindi ko alam.’”
Ayon naman kay Hayden…
“We’re very good friends until now. I guess you can say that we are …” ang tumatawang pambibiting sagot ni Hayden.
“I guess you could say that we see each other often.
“And we’re trying to rekindle something!”
Sa palagay ba ni Hayden, sa huli ay sila pa rin ni Dra. Vicki?
“Time will tell,” saad niya.
Ayon naman kay Dra. Vicki, kung noon ay may hindi pagkakaunawaan sina
Hayden at ang mga anak niyang sina Quark at Cristalle Henares, ngayon
daw ay…
“Actually si Quark and him… well hindi
pa kami talaga, promise... kasi malas nga iyon, but with Quark and
Hayden, sila naman yung naging close friends.
“And then si Cristalle, parang I think whatever makes me happy na rin, di ba?
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment