Monday, March 04, 2013

5 katao, patay, 6 pa, nawawala sa landslide sa Leyte

source: gmanetwork.com

Nagdulot ng pagguho ng lupa nitong Biyernes sa isang geothermal power project sa Leyte ang ilang araw na pag-ulan doon na nagresulta sa pagkasawi ng limang manggagawa at pagkawala ng anim na iba pa.
Sa isang pahayag, sinabi ng Energy Development Corporation (EDC) na 21 manggagawa pa ang nilapatan ng lunas at 11 ang nagtamo ng minor injuries na pawang dinala sa pribadong ospital sa Ormoc City.

“Two weeks of intermittent rain triggered a landslide late this morning in EDC's Pad 403 of its Upper Mahiao Geothermal Project in Leyte. The Emergency Response Team and all available personnel as well as company resources and equipment have already been mobilized," ayon sa pahayag ng kumpanya.

“A joint EDC-LGU emergency response team is continuing the rescue of the seven missing workers," idinagdag nito.

Natitigil naman ang paghahanap sa iba pang biktima dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar. Hinihintay din ang pagdating ng aso na ipagagamit ng militar para makatulong sa mabilis na paghahanap sa mga nawawala.

Ayon kay barangay chairman Periander BaƱez ng brgy. Tongonan, Ormoc City, residente ng kanyang barangay ang dalawa sa mga biktima.

Ikinuwento naman ng ilang nakaligtas na lubhang mabilis ang mga pangyayari sa biglang pagguho ng lupa na may kasamang mga bato.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment