source: gmanetwork.com
Wala umanong balak maghain ng kaso ang pamilya ng isang 20-anyos na estudyanteng namatay matapos madaganan ng cement mixer sa Quezon City noong Martes.
Sa isang ulat ni Allan Gatus ng dzBB, sinabi ng ina ni Cherry Inzon na mas mainam daw na patawarin na lamang nila ang drayber ng cement mixer kaysa naman magtanim pa ng galit sa kaniya.
"Mas magaan sa loob to forgive than to keep painfully. Ayaw niyan ng Panginoon. Ang Panginoon nag-forgive, kapapako sa krus," dagdag ng ina.
Nasawi si Mary Cherry nang tumama sa isang cement mixer sa jeep na sinasakyan nito sa Araneta Avenue.
Ayon sa pulisya, pitong iba pa ang nasugatan sa insidente, dalawa sa kanila ay nasa malubhang kalagayan.
Ayon ulat dzBB, humingi na ng tawad ang drayber na si Reynald Guarte at sinabing aksidente lamang ang nangyari.
Nauna nang sinabi ng pulisya na hinahanda na nila ang kasong reckless imprudence resulting in homicide, damage to prperty, at multiple serious physical injuries laban sa dryaber ng mixer.
Ngunit ayon sa ina ng biktima, naniniwala siyang mas makakarekober ang pamilya nila sa tulong ng Diyos kung magpapatawad na lamang sila.
"If you know how to forgive people, God will give you the grace na makaahon sa deep hurt," ani Ginang Inzon.
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment