Tuesday, April 02, 2013

Rufa Mae Quinto on her current status: 'Single and very much available!'

source: gmanetwork.com

Tinapos na ni Rufa Mae Quinto ang lahat ng kanyang eksena sa pinagbibidahang bagong pelikula na "Ang Huling Henya" bago ito nagbakasyon nitong nakaraang Holy Week sa Boracay.

Inakala ni Rufa Mae na hindi siya makakapagbakasyon dahil gusto niyang matapos na ang mga natitirang malalaking eksena ng kanyang pelikula.

Pero dahil mabilis daw ang director nilang si Marlon Rivera, natapos on time ang mga natitirang eksena at nakahabol pa si Rufa Mae sa kanyang mga kaibigan na nauna na sa Boracay.

Kuwento ni Rufa Mae sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Iba kasi ang pelikulang ito, as in maaksyon siya.

“Madugo ang mga eksena kaya kailangan binubusisi nang husto.

“Thankful nga ako kay Direk Marlon kasi kahit madetalye siyang tao, mabilis naman niyang nasu-shoot ang mga eksena namin.

“Nito ngang mga natapos naming mga scenes, puro big scenes kaya akala ko hindi na ako makakapagbakasyon.

“Mabuti naman at natapos nga ni Direk Marlon lahat at nakapagbakasyon din ako.

“Ang kukunan na lang ay yung mga maliliit na eksena, kasi nga tinapos na namin yung mga bonggang eksena.”

Nakausap ng PEP si Rufa Mae sa pamamagitan ng Facebook noong Sabado, March 30.


MARTIAL ARTS and BOXING. Para sa role niya sa “Ang Huling Henya,” kinailangan daw mag-training ni Rufa Mae ng martial arts at boxing.

Ginagampanan niya rito ang role ng isang secret agent kaya marami siyang fight scenes.

Sabi niya, “Kailangan talaga kasi ibang Rufa Mae ang mapapanood nila. Medyo serious ako dito. Medyo lang, huh!

“Hindi na yung usual na Booba character. May touch pa rin ng comedy.

“Tapos kailangan fit tayo dahil nga sa mga fight scenes. Kaya sobra ang training ko—boxing, Muay Thai, at pati firing.

“It’s a big change for me kaya sineryoso ko talaga ito.

“Tsaka serious din ang director namin na si Marlon Rivera. Kaya ako, serious sa pagtrabaho ko sa pelikulang ito.”

Si Marlon Rivera ang executive producer at director ni Eugene Domingo sa award-winning role nito sa “Ang Babae Sa Septic Tank.”

Siya rin ang nagsulat ng screenplay ng “Gunaw” episode ng “My Valentine Girls,” “Sosy Problems,” at ng “Rain, Rain Go Away” episode ng “Shake, Rattle & Roll 13.”


MORE MOVIES. Ang Viva Films ang producer ng “Ang Huling Henya.”

Ang naturang film company rin ang nagbigay ng malaking break kay Rufa Mae sa mga pelikulang “Gloria, Gloria Labandera” (1997),  “Booba” (2001), “Radyo” (2001), “Super B” (2002), “Masakip Sa Dibdib: The Boobita Rose Story” (2004), at “Status: Single” (2009).

Sabi ni Rufa Mae, “Hindi naman tayo pinabayaan ng Viva Films ever kaya hanggang ngayon ay nasa management pa rin nila ako.

“Matagal na ang pinagsamahan namin ng Viva kaya anytime na may project sila para sa akin, lagi akong ready para sa kanila.”

Gusto ni Rufa Mae na makagawa siya ng at least tatlong pelikula bago matapos ang taon.

Mas bibigyan nga raw niya ng prayoridad ang paggawa ng pelikula kaysa sa paggawa ng TV shows.

“Yun nga ang gusto ko talaga. More movies talaga.

“Isang show lang muna ang concentration, which is “Bubble Gang” sa GMA-7.

“Paminsan-minsan may guestings sa ibang shows pero mas gusto ko talagang gumawa ng maraming movies.

“Gusto ko rin makagawa ng isang serious indie film—yung madadala sa iba’t ibang film festivals abroad.”


SINGLE and VERY MUCH AVAILABLE. Wala raw love life si Rufa Mae ngayon.

Huli siyang na-link kay Ahron Villena na nakasama niya sa Enchanted Garden.

Ayon kay Rufa Mae, hindi naman daw nag-prosper ang so-called romance nilang dalawa.

“Wala naman talaga... parang friends lang kami.

“After kasi ng 'Enchanted Garden,' nagkanya-kanya na kami. Walang communication, walang text—as in dedmahan na.

“Okey lang kasi naging busy rin ako sa shooting ng movie.

“Kaya okey lang na walang love life. Enjoy naman ako sa pagiging single ko ngayon.

“Single and very much available!”

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment