Walang narinig mula kay Dingdong Dantes nang pumutok ang balitang kumalas na ang girlfriend niyang si Marian Rivera sa manager nito of seven years na si Popoy Caritativo noong huling linggo ng Abril.
Pero nang dumaan ang mga araw at nanganak na ng ibang balita ang desisyon ni Marian na lumipat sa Triple A talent management ni Mr. Tony Tuviera, minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag ni Dingdong.
Kahit maiiksi ang mga pahayag ay nagsalita na si Dingdong tungkol sa isyung ito, na pati pangalan niya ay nasasangkot sa pag-alis ni Marian sa poder ng dating manager.
NO WEDDING IN DECEMBER. Tulad halimbawa ng mga naglalabasan sa pahayagan na ang isa raw dahilan ng paghihiwalay nina Marian at Popoy ay hindi diumano pabor ang manager na pakasalan ni Marian si Dingdong.
Ayon sa mga report, sa December 2013 na raw ikakasal ang magkasintahan, bagamat mariin na itong itinanggi ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan sa panayam nito sa PEP.
Pinabulaanan din ni Dingdong na may magaganap na kasalan sa kanila ni Marian sa Disyembre. "For the record, walang kasal," sabi ni Dingdong sa text message niya sa PEP.
Ang relasyong Dingdong-Marian ay tumatakbo na ng ilang taon at ilang bagyo na rin ang kanilang nalagpasan.
Sa pagkakataong ito, paano hinaharap ni Dingdong ang ganitong isyu ng pagpapakasal with Marian? Sagot ng Kapuso actor, “I'm not surprised. Parati namang may ganoon." NONE OF HIS BUSINESS.
Kaso, ang balitang pagpapakasal na ito ay naikonek sa nangyaring paghihiwalay nina Marian at Popoy bilang matagumpay na talent at manager.
Ano ang masasabi ni Dingdong sa diumano'y pagtanggi ni Popoy sa "pagpapakasal" nila ni Marian? "Popoy is none of my business.
Ayaw ko na muna mag-comment," maiksing tugon niya. Paano sinusuportahan ni Dingdong si Marian sa kontrobersiya na idininulot ng pagkalakas nito sa dating manager? "All the way," sabi niya.
Kinausap ba siya ni Marian sa kanyang desisyon na kumalas kay Popoy at lumipat kay Mr. Tuviera ng Triple A? "No comment na ako diyan. Oks na muna yun for now," pag-iwas muli ni Dingdong.
Huling tanong namin kay Dingdong: Paano nakaapekto sa kanya ang desisyon ni Marian upang iwan ang dating manager? "I am happy for her decision," tugon niya. Samantala, confidential ang mga detalye ng meeting ni Popoy sa Professional Artists Management, Inc. (PAMI), ang talent managers' group na kinabibilangan niya, noong nakaraang linggo.
Ang lumabas na lang sa balita, makikipag-usap ang grupo sa bagong manager ni Marian na si Mr. Tuviera, at nasulat ding "nakapag-move on na" si Popoy. Kumpirmadong umalis na rin sa poder ni Popoy si Martin Escudero, na sinasabing parang "kapatid" na ni Marian mula pa noong nagsimula ito. Dalawang beses nagpadala ng mensahe ang PEP kay Popoy, sa pamamagitan ng text, upang kunin ang kanyang reaksiyon ngunit hindi pa ito sumasagot.
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment