Pagdating pa lang sa korte sa Bocaue, Bulacan para sa arraignment ng demandang acts of lasciviousness ng aktres na si Yasmien Kurdi,
inulan agad si Baron Geisler ng mga tanong sa isyu ng pambabastos niya kay Cherry Pie Picache sa taping ng TV series nilang "Noah."
'Yung character ko po ay isang unggoy na mahilig magwala. 'Yun lang po ang ginawa ko. In character lang po ako. May mga kasama kaming mga goonies. So anong gagawin kapag ina-abduct ang isang tao? Hindi ba minsan sinasakal,” sabi ni Geisler.
Hamon ni Baron, ipakita ang video ng eksena nila ni Picache para makita ang katotohanan.
Mataas din daw ang pagtingin niya sa aktres.
“Parang nanay ko na po iyan. Yung mga kasamahan ko po sa taping sa trabaho hindi ko po binibigyan ng malisya. Hindi ko po pagnanasaan po iyan dahil kilala ko po ang anak niya at para sa akin po kagalang-galang naman ho siyang babae,” dagdag pa ni Geisler.
Naghain din ng 'not guilty' plea si Geisler sa dalawang counts ng acts of lasciviousness at dalawang counts ng unjust vexation na isinampa sa kanya ni Yasmien noong Mayo 2010.
Hindi napigilan ni Kurdi na maiyak dito.
“So sinungaling kaming lahat? Ang dami na namin. Hindi ko po alam 'yung mararamdaman ko kung pasasalamat ba ako...ayaw ko na rin pong umiyak. Nahihirapan na rin po ako,” saad ni Kurdi.
Idiniin naman ni Baron na hinding-hindi siya hihingi ng tawad kay Kurdi. "Of course not, especially if I know na nasa tamang side ako."
Maghahain ng petisyon ang kampo ni Baron sa RTC ng Malolos para ipatigil ang paglilitis ng kaso.
“Sawang-sawa na rin po ako sa balitang walang katotohanan. Parati na lang akong inaapi. Ayaw nila akong bigyan ng pagkakataon magbago. Doon po ako nasasaktan nang sobra-sobra kasi po ako mahal ko ang karera ko, mahal ko lahat ng katrabaho ko so wala po sa akin ang mambastos ng kahit na sino sa set,” giit ni Geisler.
Ngayong gabi, sisiyasatin naman ng Professional Artists Managers, Incorporated kung dapat parusahan si Baron dahil sa reklamo ni Cherry Pie.
source: abs-cbnnews.com/
No comments:
Post a Comment