Nagsumite ng isang resolusyon sa Kongreso si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez kaugnay ng kawalan ng CCTV cameras sa mga paliparan sa bansa.
Ang kawalan ng CCTV cameras sa ilang bahagi ng paliparan ay nadiskubre matapos ang nangyaring away sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto at ng broadcaster na si Mon Tulfo sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 6.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lucy nitong Huwebes ng gabi, Mayo 10, sa launching ng librong Not On Our Watch—na tumatalakay sa mga karanasan ng mga estudyanteng aktibista noong panahon ng Martial Law.
Ginanap ang book launch sa Metropolitan Museum sa Roxas Blvd., Malate, Manila.
“I just find it strange that we’re supposed to have CCTV cameras and if we have, it’s not working," paliwanag ni Lucy kung bakit niya inihain ang naturang resolusyon sa Kongreso.
“Kasi having CCTV cameras that are not working, parang it defeats its purpose of being there, di ba?
“Especially if it’s in the place as important as the airport, where the security is very important, and the CCTV camera is very imperative in ensuring the security of the people.
“So, I just found it really strange.
“Sabi ko nga, this is not about the brawl that happened. That’s just one of the many incidents that had happened in the airport.
“But, it has brought to surface the really bigger problem.
“There are real terrorist threats all over the world. Parang after naman 9/11 [attack], lahat naman tayo, we're more aware of the terrorist threats for a very progressive country.
“It’s a basic thing na we should have a CCTV camera that actually works."
Nitong linggo niya ipinasa ang naturang bill, kaya naman maaaring sa susunod na linggo pa ito ma-discuss sa Kongreso.
LEARNING EXPERIENCE. Isa si Lucy sa mga kaibigan ng mag-asawang Claudine at Raymart sa industriya. Gayunman, ayaw na niyang magkomento tungkol sa nangyari sa kanila.
“I really don’t want to ano... I really don’t want to comment on that," nakangiting pagtanggi ng TV host turned politician.
“I always feel that there are two sides of the story, and uhm... the issue has been stretched and exhausted in every way possible.
“So, hayaan na lang natin, bigyan na lang natin ang both parties ng konting privacy."
Pero opinyon ng kongresista, ang insidenteng ito ay isang “learning experience"—lalo na sa mga nagpapatakbo ng ating paliparan at iba’t ibang airlines.
“I think we can all benefit talaga… I mean something good can really come out talaga from a really bad situation.
“If it has brought to life the fact na airlines need to be more efficient with their service, so be it, di ba?
“Parang let this be a learning experience for all the agencies, and all the people involved, [and] all the sectors."
source: gmanetwork.com
Saturday, May 12, 2012
Rep. Lucy Torres-Gomez wants to investigate the lack of CCTV cameras in local airports
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment