Friday, February 04, 2011

Dating magnobyong John Prats at Shaina kanya-kanyang date sa 'Bulong' premiere


Full-support ang show biz friends sa mga bida ng horror-comedy film na “Bulong” na sina Angelica Panganiban at Vhong Navarro.

Hindi nawala sa premiere ang “Banana Split” co-stars ni Angelica na sina Pokwang, Ryan Bang, RR Enriquez at dating cast na si Zanjoe Marudo kasama ang nauugnay sa kanyang si Bea Alonzo.



Sweet na sweet naman sina John Prats at girlfriend na si Rachelle Ann Go, na naghahanda na sa kanilang double celebration sa Valentine's at birthday ni John.

Ayon kay John, gusto na niyang makasama si Rachel habambuhay.



"Para sa'kin, oo, sana siya na. Siya ang gusto kong makasama," sabi ni Prats.

Iisang sinehan lang pero hindi nakapag-usap ang mag-ex na sina John Prats at Shaina Magdayao na ka-date ang boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Matapos ang premiere magka-holding hands na lumabas ng sinehan ang show biz couple.

Sa press conference ng serye niyang “Imortal,” hinarap ni John Lloyd Cruz ang isyu sa relasyon nila ni Shaina.




Kaugnay ito sa pagtawag sa telepono kamakailan ni Shaina kay Ruffa Gutierrez na naugnay sa aktor.

"Sobrang okay kami. The relationship is going strong, really strong," sabi ng aktor.

Hindi magkakasama sa Hearts' Day sina Shaina at John Lloyd dahil sa trabaho.

Ayon kay John Lloyd, pinaghahandaan niya ang unang Valentine's celebration nila ni Shaina.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment