Friday, February 04, 2011

Zanjoe gustong maka-date si Bea sa Valentine's Day


Tila pinagpawisan ang young actor na si John Manalo nang ibuko ng press na crush nito ang co-star na Kathryn Bernardo.

“Opo, sinabi ko po 'yun. Salamat sa tanong niyo at pagbuko niya,” ani John.

Sa tanong kung ano ang nagustuhan ni John kay Kathryn at ang reaksyon ng aktres: “Kasi ang ganda ng nunal niya. Joke! Lahat napapansin ko: 'yung balbon si Kat, gusto ko kasi ‘yon, para sa akin she's one of a kind,” ani John.



“Flattered, kasi hindi ko naman ine-expect na si John may gusto sa akin. Nagulat ako kasi ever since best friends kami, parang magkapatid kami, pero alam naman ni John, priority ko school and career,” pahayag naman ni Kathryn.

Aminadong may konting ilangan naman sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo sa kanilang mga eksena sa inaabangang Valentine’s Day episode ng “Maalaala mo Kaya.”

Maraming kinilig sa pag-amin kamakailan ni Zanjoe na nanliligaw siya sa aktres.

“Nagkakapaan pa muna kami ngayon... nakakailang. Parang mas close na kasi kami ngayon so nakakailang umarte in front of him so dapat ma-overcome 'yung feeling na ‘yon,” giit ni Bea.

“Second time namin 'to magkakasama sa MMK...Nandoon po ‘yong naiilang ako kasi magaling na artista kasama ko,” lahad naman ni Zanjoe.



Wala naman ibang hangad si Zanjoe kundi makasama si Bea sa Valentine’s.

“Sana kami magkasama sa Valentine’s, sana wala siyang trabaho,” ani Zanjoe.

“Pareho kaming may trabaho, ewan ko na lang anong mangyayari ng post- or pre-Valentine’s,” sabi naman ni Bea.

Sa ngayon ine-enjoy nina Zanjoe at Bea ang panahong nagkakasama sila at nagpapasalamat na pati sa trabaho ay nagkakatambal sila.


source:

No comments:

Post a Comment