source: abs cbn
Hindi pa opisyal na pumapasok ang summer pero sobrang init na ng eksena sa unang "Bikini Heaven" sa isla ng Boracay.
Paseksihan sa kani-kanilang bikini ang mga celebrity.
Sa gitna ng hot performances, hindi inaaasahan ang wardrobe malfunction sa bikini top ng isa sa mga dancer.
Patikim pa lang ito sa taunang “Hottest 100” competition sa bansa.
Rumampa rin ang two-time FHM sexiest celebrity na si Katrina Halili na unti-unting pa ring bumabangon sa kinasangkutang eskandalo.
"Kaya nga po ako hindi nagsasalita. Iiyak lang po ako eh, ayun," aniya.
Mapait man, gusto ni Katrina na gumawa ng libro patungkol sa kanyang mga pinagdaanan.
Isa naman si Aubrey Miles sa mga all-out na rumampa sa FHM’s “Bikini Heaven.”
Sa kabila nito, hindi niya nakalimutan ang trahedya sa Japan, lalo't sangkot mismo ang kanyang pamilya.
Kuwento ni Aubrey, nasa Japan ang ilan nilang kamag-anak at hanggang ngayon, may hinahanap pa rin.
"Meron ako sigurong mga 20 relatives 'dun... May mga missing pa na lima," ani Miles.
Nag-aalala rin ang sexy girl group na “Kitty Girls” dahil hindi pa nila makontak ang dati nilang miyembro na si Nicole Deen na nakatira sa Japan.
"Until now, I haven't heard from her. SO I really pray that she's okay," sabi ni Jocelyn ng Kitty Girls.
Nagkakaisa daw ang sexy celebrities sa paggamit ng kanilang “star power” para makatulong sa gitna ng trahedya ngayon sa Japan.
click this link to view the video
source: abs cbn
No comments:
Post a Comment