Ayaw raw ng controversial actress at TV host na si Kris Aquino na magmukhang maldita kung magkokomento sa napapabalitang relasyon ng kanyang ex-husband na si James Yap sa Kapuso actress na si Isabel Oli.
“Ako na naman ang magiging maldita kasi nag-comment ako, I don’t like. I wish them well," tanging nabanggit ni Kris sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
Sa kabila ng mga pagtanggi nina James at Isabel na may romantikong ugnayan na namamagitan sa kanilang dalawa, nabanggit naman minsan ng kanyang anak na si Bimby o baby James sa panayam TV host-columnist na si Rickly Lo ang pangalan ni Isabel tungkol sa kanyang daddy.
At matapos umano ang nakaraang hearing sa annulment case nila, sinabi sa ulat na nasa ‘no friend status’ na naman ang dating mag-asawa.
Pero paglilinaw ni Kris, nananatiling silang sibil ni James sa isa’t isa at hindi niya pinagbabawalan ang basketball star sa pagpatupad ng tungkulin nito bilang ama ng kanilang anak na si Bimby.
“For as long na okey sila (na mag-ama), labas na ako sa equation na ‘yan at ‘wag na ‘kong tanungin tungkol sa kanya. Kasi susumbatan naman niya ko ba’t ako nagko-comment sa buhay niya, eh siya naman daw hindi nagko-comment sa buhay ko, so I wish you well," pahayag ni Kris
Mum on PNoy’s love life
Maging sa love life ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino ay ayaw na ring magsalita ng actress/host.
“Ayoko, papagalitan na naman ako e magkikita pa naman kami tomorrow. E ngayon love na love niya ko kasi ‘di ba, ano nag-DOH activity ako," ayon sa actress-TV host.
Sinabi ni Kris na natuwa sa kanya ang kuya niya sa sinamahang aktibidad ng Department of Health kaya nais niyang matuwa pa ang pangulo sa kanya ng husto.
May mga ulat na tila lumalamig na rin ang napabalitang relasyon ni PNoy sa stock broker na si Len Lopez.
Movie with Dingdong
Samantala, masayang kinumpirma ni Kris na magsasama sila sa isang project ng Kapuso leading man si Dingdong Dantes.
Sina Kris at Dingdong, at kani-kanilang managers umano ang magpo-produce ng pagsasamahan nilang pelikula.
“Right now nandun sila sa proseso ng paggagawa ng apat na konsepto na pagpipilian namin,’ ayon kay Kris.
source: gma
Thursday, April 07, 2011
Kris on James Yap and rumored gf Isabel Oli: ‘I wish them well’ (video inside)
source: gma
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment