Mula sa pagiging master sergeant, lieutenant colonel na si Rep. Manny Pacquiao sa reserve force ng Army.
Ibig sabihin, kung magkakagiyera ay puwedeng maging commander ng isang batalyon o hanggang 500 sundalo si Pacman.
Pero kinuwestiyon ni dating National Defense College president Clarita Carlos kung bakit lumundag ng limang ranggo si Pacquiao.
Hindi naman daw kasi ito nakatapos ng kolehiyo na isang requirement sa batas.
“We are really talking of putting in the hands of somebody 'yung lives ng ganyang karaming tao. Hindi natin minamaliit ang isang tao kapag wala siyang college degree pero ang sinasabi natin ay the reason why mayroong ganitong qualification is the qualifications is concommitant with the skills, knowledge, competencies,” ani Carlos.
Pero giit ng Army, wala mang bachelors degree si Pacman ay mayroon naman itong honorary degree na nakuha nito sa South Western University.
At sa bagong circular ng Department of National Defense (DND), puwede na raw ito kahit walang college degree.
Hindi rin naman daw awtomatikong magiging batallion commander si Pacquiao.
“Maaari siyang mamuno ng physical fitness activities ng Army dahil diyan po ang kanyang expertise,” ani Col. Quirino Calonzo ng G9 Philippine Army.
Nilinaw din niya, hindi promosyon ang ranggo kundi isang appointment na ibinigay kay Pacquiao.
Si Pacquiao raw mismo ang humingi ng ranggo na nararapat sa posisyon nito bilang kongresista.
Hindi lang si Pacquiao ang hindi natapos ng pag-aaral ang naging commisioned officer ng reserve command.
Maging si Senador Lito Lapid ay isa rin palang reserve offficer.
Si Lapid na hindi nakatuntong ng college ay isa palang army major.
Nakuha niya ito noong siya'y gobernador pa lamang ng Pampanga.
Handa naman ang Army na magpaliwanag upang makumbinsi ang publiko na walang mali sa kanilang ginawa.
source: abs-cbnnews.com
Tuesday, October 18, 2011
Ranggo ni Pacquiao binatikos ng defense expert
source: abs-cbnnews.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment