source: gmanetwork.com
Maaapektuhan ang mga kolehiyo at pamantasan sa bansa sa pagpapatupad ng Department of Education ng programang K+12, ayon kay DepEd Secretary Br. Armin Luistro, FSC.
Ayon kay Lusitro, maaaring maapektuhan ang bilang ng enrollment ng mga kolehiyo at pamantasan ng bagong basic education program.
"Definitely, there will still be an effect in terms of enrollment figures for the School Years 2016-2017 and 2017-2018," ani Luistro sa panayam ng GMA News Online sa pagtatapos ng Centennial Celebration ng De La Salle University noong Biyernes.
Ngunit, aniya, "[the K+12 program] will not result in zero enrollment because of the private schools and those with two years pre-school and grade 7," paliwanag niya.
Para sa ilang mga pribadong paaralan na mayroon nang Kinder 1, Kinder 2 at Grade 7 sa kanilang curriculum, makapapasok na agad ang kanilang mga graduates sa basin education sa kolehiyo at hindi na kinakailangang kumuha ng dagdag na dalawang taon sa high school.
Senior High School Program
Samantala, kasalakuyan namang tumutulong na rin ang Commission on Higher Education (CHED) upang gumawa ng panibagong curriculum sa kolehiyo na nakabatay sa K+12 program.
"In fact, the two or three models on how to mitigate the effects of the decline of freshmen entrance in the School Year 2016-2017 come from the colleges themselves," aniya.
"One of which is for them to start their own senior high school program," dagdag niya.
Ipatutupad ng ilang mga kolehiyo at pamantasan ang senior high school program na magsisilbing Grade 11 at Grade 12 o dagdag na dalawang taon ng mga mag-aaral.
"For example, the University of Makati which had started Senior High School and had consequently revised its curriculum," ayon sa kanya.
Noong nakaraang taon, inihayag ng DepEd na handa na itong ipatupad ang programang K+12, na nagdaragdag ng dalawa pang taon sa kasalakuyang 10-taong basic education program.
Sa halip ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school, magiging anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon para sa senior years.
Inaasahang makatutulong ang dagdag na dalawang taon sa senior high school ay maghahanda sa mga mag-aaral para sa paghahanap ng trabaho.
source: gmanetwork.com
No comments:
Post a Comment