Saturday, January 22, 2011

Dingdong Dantes shares his plan on Valentine’s day with Marian Rivera



Bagaman busy sa maraming commitments, umaasa pa rin si Dingdong Dantes na magkakaroon sila ng panahon ng girlfriend na si Marian Rivera sa Valentine’s day para mapuntahan ang lugar na sinasabing ubod ng lamig ngayon. Alamin kung saan ito.

Dinaluhan ni Dingdong nitong Miyerkules ang paglulunsad ng Ani ng Sining bilang Youth Ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ito ay bahagi sa gagawing National Arts Month na sisimulan sa Enero 30, at gaganapin sa Rizal Park. Dahil dito, mag-iikot sa darating na mga araw sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas si Dingdong para sa Philippine International Art Festival.

Bukod sa mga obligasyon niya bilang ambassador, sinabi ni entertainment reporter Lhar Santiago, na magiging busy rin sa mga darating na araw si Dingdong para sa primetime romantic-comedy series nila ni Regine Velasquez na I Heart You Pare.



Kaya naman may mga nagtatanong kung papaano pa niya nahahati ang kanyang oras?

Lahat ‘yan talagang nagagawa sa time management. Kaya nga maraming tao ang tumutulong sa akin specially my manager, people I work with na talagang sini-set aside nila ko kung ano yung para sa tv, sa pelikula at para sa mga ganitong klase ng obligasiyon," ayon sa aktor.

Pero sa kabila ng pagiging busy, hindi pa rin nakalimutan ni Dingdong na magplano para sa kanila ni Marian sa Araw ng mga Puso next month.

Gusto raw ni Dingdong na regaluhan ng painting si Marian na makukuha niya sa gagawing pag-ikot sa art festival.


At nang tanungin ang binata kung saan niya planong ipasyal si Marian sa Valentine’s day, sagot niya: “Malamig daw sa Baguio, gusto kong puntahan…pero kung papayagan, sana."

Bukod kasi sa kailangang ayusin ni Dingdong ang kanyang schedule, inaasahang magiging busy na rin ng husto si Marian para naman sa kanyang epic series na Amaya.

Samantala, inamin naman ni Dingdong na nabahala sila ni Marian sa mga hula na hindi na magtatagal ang kanilang relasyon. Pero nag-usap daw sila ng aktres na lalabanan ang masamang hula.

Kailangan palaging sentro ang Panginoon sa isang relationship because kung ‘yon ang mangyayari, Siya lang ang magga- guide sa’yo. No amount of hula o anuman ‘yan na makakasira sa’yo," ayon sa binata.

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment