Thursday, January 27, 2011

Ogie Diaz tinira si Charice; Charice fans gumanti



Sa maiksing pamamalagi ni Charice sa bansa nu'ng unang linggo ng Enero para sa kanyang back-to-back concert, pinuna ng ilang press ang umano'y sobrang higpit ng seguridad sa singing sensation. Ito rin ang naging laman ng kontrobersyal na Twitter posts ng show biz host at columnist na si Ogie Diaz.

Burado na ang tweets sa account ni Ogie.

May ilang nag-retweet ng opinyon ni Ogie kung saan sinabi niyang hindi bagay ang nerdy glasses sa singer.

Tila kinumpara rin si Charice sa isa pang world-class Pinoy talent na si Lea Salonga.

Sa sinulat na artikulo naman ni Ogie sa “Pinoy Parazzi,” nakasaad na walang “K” magpaka-Hollywood si Charice sa ‘Pinas.



Umaastang foreign artist daw si Charice dahil hindi nagpa-interview, pinalibutan pa ng bodyguards.


Walang inilabas na reaksyon si Charice pero ang kanyang fans ang bumuwelta kay Ogie. Ang iba nagbanta pa ng boycott sa show ni Ogie.

Kanina, humihingi na ng paumanhin si Ogie. Sinabi niyang handa siyang personal na humingi ng tawad sa singer.



Sa pinadalang statement ni Ogie sa ABS-CBN, sinabi niya na kapag binigyan siya ng pagkakataon ni Charice na makapagpa-picture, gagamitin pa niya itong profile picture sa Twitter.

Ang ilang “Chasters,” hindi tanggap ang “sorry” ng host at hindi pa rin kumbinsido sa kanyang sinseridad

source:

No comments:

Post a Comment